Chapter 28

89K 3.6K 2.9K
                                    

Tadhana always hated weddings. Sa tuwing isinasama siya ng parents sa mga kasalan, palagi siyang naghahanap ng puwedeng ipintas. Bukod kasi sa matagal ang ceremony, madalas na nakakarinig siya ng mga plastikan.

Hindi niya makalimutan na mayroon silang pinuntahang kasal. Ang katabi niyang matanda, nakangiti sa bride and groom noong nagpa-picture. Pero noong umalis na ang dalawa, panay ang sabi nito na hindi raw masarap ang pagkain, pangit ang makeup ni bride, pangit ang bulaklak, pangit lahat.

Ilang kasal ang napuntahan ni Tadhana na panay pintas lang ang naririnig niya.

That was when Tadhana promised that if she were given a chance to get married, piling tao lang ang imbitado, masasarap ang pagkain, at simple lang ang gown niya.

Tadhana and Keanu chose a garden wedding, at imbes na magrenta pa ng lugar, napagdesisyunan nilang sa transient place na lang na pag-aari ni Tadhana. It was a bohemian-themed location, perfect for a bohemian-themed wedding.

Okay lang naman sa kanilang gumastos para sa kasal, kaunti lang naman ang guest, nasa thirty lang, pero mas gusto nilang mag-save up para sa plano nilang bahay at businesses sa future. Minsan lang ang kasal, oo, pero hindi ibig sabihin ay gagastos sila nang malaki.

Nakaharap si Tadhana sa salamin. She chose a dress made with delicate laces and embroidered patterns. The straps were thin, her cleavage was showing, and the dress wasn't ideal for the Baguio weather, but who fucking cares?

Inayos lang ng hairstylist ang buhok niya at medyo kinulot para magmukhang wavy, pero wala silang ibang gagawin. Magiging flowy lang iyon at mas lalong lumabas ang natural na kulay; dark brown with a touch of blonde, na nakuha niya sa American blood niya.

Kapag nakatitig si Tadhana sa salamin, minsan niyang iniisip kung ano ba ang itsura ng mga taong gumawa sa kaniya. Hindi niya masabing magulang ang mga iyon, basta gumawa lang sa kaniya.

For some reason, hindi siya galit sa kanila. Natutuwa pa nga si Tadhana dahil napunta siya sa pamilyang hindi siya pinabayaan. Masakit man ang nakaraan, hindi pa rin matatawaran ang kasalukuyan.

Napag-usapan na rin nila ni Keanu na walang ibang maglalakad. Walang best man, walang maid of honor, o kahit sino. Si Sarki lang, bilang ring bearer nila, kasama ang mommy niya, at ang daddy niya na maghahatid sa kaniya sa harapan.

"Grabe." Umiling ang makeup artist. "Alam mo, ang ganda-ganda ng mukha mo. Alam ko kaagad na hindi ka nagme-makeup dahil paglapat ko pa lang ng foundation, nagbago na kaagad ang itsura mo. Sobrang bagay sa 'yo nitong makeup mo. Simple lang."

Tadhana chose a simpler look with warm tones on her face. Even her lips were almost nude. Halos walang bakas ng makeup.

Hapon ang napili nilang oras ng kasal at ipinapanalanging sana, huwag umulan.

Dalawang araw na rin niyang hindi nakikita si Keanu dahil kasama nito si Juancho sa isang hotel samantalang nasa transient house silang mag-anak, kasama sina Zeke at Fidel.

Nakaupo lang si Tadhana sa balcony area ng kuwarto kung saan siya inayusan nang pumasok sina Fidel at Zeke. Nakangiti ang mga ito at gandang-ganda sa kaniya.

"May ibibigay ako sa 'yo," ani Zeke na naglabas ng isang box, at pagbukas, hikaw iyon. "Hindi ko kasi alam kung ano ang ireregalo ko sa 'yo. Hindi ka naman kasi maarte at alam kong hindi ka mahilig sa alahas, kaya ito na lang."

Simpleng gold earrings iyon na parang dahon. Sakto rin sa theme ng kasal.

"Bakla ka, ano 'to?" natatawang sabi ni Tadhana habang isinusuot ang nasabing hikaw. "Nag-abala ka pa!"

Naupo si Zeke sa pang-isahang sofa habang katabi naman ni Tadhana si Fidel.

"Gusto ko kasing magpasalamat sa 'yo, sa pagtanggap mo sa 'kin. Ilang years na rin noong nagsabi ako sa 'yo tungkol sa . . . sa pagiging bakla ko, pero wala kang naging judgment. Tinulungan mo pa ako." Yumuko si Zeke. "Sorry, hindi ko matupad ang sinabi mo na mag-out na ako. Hindi ko pa kaya, Hana, pero palagi akong magte-thank you sa 'yo, sa lahat."

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon