Chapter 2

105K 4K 3.7K
                                    

Masamang tiningnan ni Tadhana si Eric, ang kaibigan ni Janus. Inaaya nito ang kaibigan na maupo na lang dahil medyo nanggugulo na. Hindi na iyon nakagugulat. Madalas naman talagang napalalabas sa bar si Janus noon pa.

"Ex?" tanong ni Keanu na nakatayo pa rin sa harapan niya at gaya niya ay nilingon din si Janus. "Bad breakup?"

"Six months na kaming break, ewan ko riyan sa tangang 'yan," pabalang na sagot ni Tadhana bago tumungga ng beer. "Thank you sa beer. May bayad?"

Umiling si Keanu. "Wala, libre na. Sino'ng kasama mo rito? Mag-isa ka?"

"Hindi, 'no! Kasama ko mga kaibigan ko." Itinuro niya ang grupo ng mga babaeng kasama. Medyo malapit lang naman ang upuan ng mga ito, apat na mesa lang ang layo. "Nag-iinarte kasi iyong isa. Galing sa breakup."

Mahina itong natawa at tumungga ng beer habang nakasandal sa upuan kung nasaan ang mga kaibigan nitong nagtatawanan at nag-iinuman din.

"Babalik na ako sa friends ko. Thanks ulit sa beer, Keanu." Ngumiti si Tadhana at tumango.

"Wait." Keanu stopped her. "Tadhana . . . pangalan mo talaga 'yon?"

Kaagad na tumaas ang kilay ni Tadhana. "Oo, mukha ba akong nagloloko? Tinatawanan mo ba ang pangalan ko?"

"Uy, hindi!" natatawang sabi nito. "First-time ko lang nakakilala ng may pangalan mo. It's unique."

Umirap si Tadhana sa hangin at nagpaalam na kay Keanu. Bumalik siya sa mga kaibigan at nakita kung gaano na kalasing si Amora na pinagtitinginan na rin dahil iyak nang iyak. Nagtatawanan lang sina Hazel at Clarissa.

"Baka iuwi ko na muna sa amin itong babaeng ito!" umiiling na sabi ni Clarissa. "Pagagalitan ito ni Manang Fely kapag umuwing ganito, madadamay pa tayo. Sasabihin ko na lang na nakatulog habang nanonood."

Naupo si Tadhana sa tabi ni Hazel at tinungga ang beer na hawak.

"Saan galing 'yan? Kailan ka nag-beer?" nagtatakang tanong nito.

"Ibinigay lang sa akin. 'Kahiya namang tanggihan." Nilingon ni Tadhana ang grupo nina Ariana. Tanaw niya ang mga ito at masayang nag-uusap. "'Yong nag-rent kasi ng isang transient namin, nandito. Ayun, binigyan ako ng beer."

Ngumisi si Hazel at alam ni Tadhana ang itatanong nito. "May single?"

Tadhana shrugged. "Malay ko. Alangan namang itanong ko, 'di ba? Parang tanga 'to si Janus. Ukininana ajay nga tanga. Nagbobo ngan taltalaga." Tangina talaga ni tanga. Napakabobo talaga.

"Apay? Anya manen inaramid na?" Bakit? Ano na namang ginawa niya?

"Iniggaman na ak. Makapabusor! Bartek ngamin." Hinawakan ako. Nakakabuwisit! Lasing kasi.

Mahinang natawa si Hazel habang kumakain ng chicken pops. Ibinaling nito ang tingin sa isa pang grupo ng mga lalaking malapit sa kanila. Mukhang mga turista rin na nagkakasiyahan.

Isa ang Hardin sa paborito nilang bar. Madalas sila sa lugar dahil maganda ang ambience, open-air, at outdoor kaya hindi nakasu-suffocate.

"Hindi ka iinom nang hard?" tanong ni Jaime. "Beer ka lang?"

Tumango si Tadhana. "Oo. Nawala ako sa mood uminom knowing nandito si Janus. Nabubuwisit pa rin ako sa pagmumukha niya. Tanginang 'yan, 'di pa mabaog ang hinayupak!"

Malakas na natawa si Hazel dahil alam nito ang dahilan kung bakit sila nag-break ni Janus months ago. Hindi naman ito ang huling naging ex niya dahil kaka-break lang din niya dalawang buwan na ang nakalilipas, pero si Janus ang pinakagago sa lahat.

"Virgin ako, pero tanginang 'yan. Makapag-aya ng sex, liit naman ng tite," natatawang sambit ni Tadhana. "Ipinakita pa sa 'kin, animal! Akala niya, matutuwa ako na puro ulo lang pala."

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon