Chapter 4

85.7K 3.4K 3.2K
                                    

Nakayuko si Tadhana sa sahig at iniisip ang nangyari. Masakit ang ulo niya dahil sa hangover, masakit ang sikmura niya dahil nasusuka, nakararamdam siyang gutom, pero masakit din ang kipay niya.

Halatang nawasak at naararo.

"Hey," pagbasag ni Keanu sa katahimikan habang nakatingin kay Tadhana. Nakasandal siya sa pinto habang iniisip ang nangyari. "Galit ka? Hindi ko rin alam, wala akong maalala. Lasing na lasing ako."

"Bakit ako magagalit e pareho lang naman tayong sabog kagabi?" Umiling si Tadhana. "Ukitnana, nagsakit uki ko." Tangina, ang sakit ng kipay ko.

Nakakunot ang noo ni Keanu. "Ano'ng sabi mo?"

"Wala!" singhal ni Tadhana. "Huwag mo nang alamin!"

Tahimik na nakatingin si Keanu kay Tadhana. Pilit niyang inaalala ang nangyari dahil kahit kaunti, wala siyang maalala. He was aware about alcohol blackouts lalo na at pareho silang hindi palaging nalalasing.

Inilabas ni Tadhana ang phone at nagsimulang mag-search. Keanu got curious kaya naupo siya sa tabi ni Tadhana.

"Ano 'yan?" tanong ni Keanu.

"Nagse-search ako kung normal bang wala tayong maalala kagabi dahil sa kalasingan. Hindi ako nalalasing, pero matindi ang mga alak na na-consume natin kagabi. Feeling ko rin talaga, pinaglaruan ako nina Rick. Ukininana ajay nga lalaki, 'di paylang matay." Tangina ng lalaking iyon, hindi pa mamatay.

Tadhana searched about binge drinking. It was about consuming drinks over a short period of time, and that was what happened to her and Keanu. Nagiging cause iyon ng alcohol blackout, amnesia, and memory loss.

According to an article na nabasa nila, blacking out was different from passing out. Kapag blackout na, conscious pa rin at gising, pero wala na ang kakayahang gumawa ng bagong memory. Kaya pa rin nilang maglakad, magsalita, pero susuray-suray na.

"So . . ." Umiling si Keanu at yumuko. ". . . that's what happened to us. We were too drunk to know we had sex."

Pabagsak na nahiga si Tadhana sa kama at tinakpan ang mata gamit ang mga braso para pilit na alalahanin ang nangyari. Gusto niyang malaman kung nakahihiya ba ang performance niya, kung maingay ba siya, at baka kung ano na ang mga pinaggagagawa at pinagsasasabi niya.

Naramdaman ni Tadhanang bumigat ang kama sa gilid niya. Nang tingnan, nakahiga si Keanu tulad niya, at nakatingin sa kaniya.

"Ano'ng iniisip mo?"

Tadhana rolled her eyes and stared at Keanu. "Iniisip ko lang kung maingay ba ako kagabi. Nakakahiya sa mga friend mo. Alam ko naman kasing hindi soundproof itong kuwarto kaya parang wala akong mukhang mailabas."

Keanu smiled and burst into laughter. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis na iyon ang iniisip ni Tadhana, pero mukha naman itong seryoso at hindi nagbibiro.

"You're seriously thinking about what they heard and what they think?" Tumagilid si Keanu at hinarap si Tadhana.

"Oo." Tumango ito na parang bata. "Kasi wala naman nang magagawa kung ngumawa ako dahil naararo mo ako kagabi. Wala na, hindi ko na maibabalik. Ang iniisip ko na lang, 'yung epekto . . . baka maingay ako." Tinakpan ni Tadhana ang mukha dahil sa hiya. "Shit, tangina, gago, nakakahiya!"

Keanu stood up and shook his head. Inayos niya ang belt at nagre-ready na para lumabas ng kuwarto. Napapaisip din siya kung ano ang nangyari, pero tama si Tadhana. Pareho nilang hindi maibabalik ang nangyari noong nakaraang gabi.

Pipihitin na sana niya ang pinto nang may maalala. "Wait, nakita ko kasi 'yong . . ."

"Alin?" Naupo si Tadhana at tiningnan si Keanu. Tumingin ito sa ibaba niya. "Pepe ko? Nakita mo 'yung pepe ko?"

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon