Chapter 21

79.4K 3.5K 2.5K
                                    

Tahimik sina Tadhana at Keanu sa loob ng kotse. Pareho silang walang imik pagkatapos ng nangyari, pero paminsan-minsang tumitingin si Keanu sa rearview mirror at nakikitang nakatingin ito sa malayo.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Tadhana dahil aware siyang hindi iyon ang daan papunta sa sakayan ng bus. Nag-search siya kung saan ang daan, at hindi iyon. "Keanu, please lang. Uuwi na kami."

"Okay lang ba sa isang araw?" Kinagat ni Keanu ang labi. "Bukas na lang tayo magbiyahe. May kailangan lang akong ayusin, babalik na tayo sa Baguio."

Hindi na kumibo si Tadhana dahil mukhang seryoso naman si Keanu sa pag-uwi nila sa susunod na araw. Pagod din siya at wala siya sa mood makipag-argue kay Keanu. Gusto niyang magpahinga.

Bago pa man umalis si Keanu sa bahay ng mommy niya, tinawagan niya si Juancho at tinanong kung puwede bang tumuloy muna sila sa condo nito dahil siya mismo, kailangan niya ng kausap.

"Nasaan ba tayo?" tanong ni Tadhana. "Gusto kong magpahinga, Keanu. Wala ako sa mood makipag-usap kahit na kanino, kahit na sa 'yo."

Nag-park si Keanu sa tabi ng kotse ni Juancho. "Ako rin, gusto kong magpahinga, kaya dito ako dumeretso. Pupunta tayo sa condo ni Juancho. Sorry, ha? Kailangan ko lang din talaga ng kausap."

Naintindihan ni Tadhana si Keanu dahil kung siya lang, hindi niya ito kakausapin dahil mas gusto niyang magpahinga.

Hindi alam ni Tadhana kung ano ang nangyari sa loob nang pumasok si Keanu para kausapin ang ina nito dahil wala na siyang pakialam. Wala na siyang interes para magtanong sa hater at basher niya. She had enough.

Natuwa si Keanu nang hindi na nakipag-argue sa kaniya si Tadhana at sumama na lang. Bitbit nito ang anak nila, siya naman sa mga gamit.

Kaagad naman silang sinalubong ni Juancho sa may elevator pa lang at tumulong sa pagbitbit mga gamit. Malaki ang condo nito. Anak si Juancho ng isang kilalang politiko kaya may-kaya sa buhay at ang condo nito ang ginagamit nila sa mga party.

"Welcome," nakangiting sabi ni Juancho sa kanila pagpasok ng condo. "'Buti na lang pala, katatapos lang ng general cleaning noong tumawag ka. It's nice to see you again, Tadhana."

"Thank you, at manggugulo muna kami. Tatapatin na kita. Gusto ko talagang matulog kasi naubos ang energy ko sa nanay ni Keanu. Puwede bang pumasok na ako sa lungga mo?" seryosong tanong ni Tadhana.

Mahinang natawa si Juancho dahil ilang taon na ang nakalipas, ganoon pa rin itong magsalita. Tumingin siya kay Keanu na bahagyang tumango bago ibinaba ang mga gamit sa may living area.

"Akin na muna si Sarki," ani Keanu at lumapit kay Tadhana. "Sasamahan ka ni Juancho sa room, magpahinga ka na muna. Ako na muna'ng bahala sa kaniya."

Tiningnan ni Tadhana si Keanu. "Hindi ako tatanggi dahil gusto ko talagang matulog. May gatas naman nang naka-prepare sa insolation bag ni Sarki. Lalabas na lang kaagad ako after."

"No, go ahead. Take your time."

Hindi na sumagot si Tadhana at sumunod na kay Juancho papasok sa isang kuwarto. May kalakihan ang condo unit nito at nasa thirty-sixth floor sila. Limang pinto ang nakikita niya mula sa living area at pumasok sila malapit sa may library area na medyo malapit din sa dining.

"Here," nakangiting sabi ni Juancho. "Don't worry about anything, naka-prepare na rin ang mga kailangan n'yo if ever. Kung may kailangan ka, nasa labas lang ako. Hindi ako aalis."

Matipid na ngumiti si Tadhana. "Salamat."

Nakaupo si Keanu at nakasandal sa may sofa habang kalong si Sarki nang lumabas si Juancho mula sa kuwarto kung saan nito dinala si Tadhana. Nagtama ang tingin nila, pero dumeretso ang kaibigan sa kusina para kumuha ng inumin bago iniabot sa kaniya.

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon