May mga bagay tayong nakikita dahil gusto nating makita kaya minsan hindi na pala totoo, paniwalang-paniwala pa rin tayo.
----------------------------------------------------
Chapter 1
Matthew's POV
I bit my lower lip. Hindi ko ata kaya toh.
"Ready guys! In 30 minutes we will start the show and do some rocking roll!"
Sigaw ng coordinator namin. Nakatitig pa rin ako sa papel na hawak ko. Kailangan pa ba talaga nito?
"Matthew! Ready ka na ba?"
Tumingin ako kay Direk.
"Uhmm..can I change this song?"
Tinignan niya ang nasa papel.
"Matthew naman, more than a week mo na itong nere-rehearse. Bakit ngayon mo pa papalitan?"
"Eh kasi Direk..I'm not really comfortable with that song."
"Okay sige. I don't know what is the story behind this song at ayaw mong kantahin pero sige, pagbibigyan kita. You can choose any song that you want."
Ngumiti ako.
"Thanks, Direk."
"But it should be a love song."
Biglang bumagsak ang magkabila kong balikat.
"Love song? Hindi po ba pwedeng pang-broken hearted or-"
"Matthew, what do you expect? It's February! February 14 to be exact. Siyempre kailangan yan ang kantahin mo."
Tumango-tango na lang ako. Direk patted my shoulder bago siya umalis.
"Hi Sir! May kailangan po ba kayo? Nakabusangot na naman yang mukha niyo."
Napatingin ako sa P.A. ko.
"Nothing. It's just..hindi ko alam kung paano ko toh kakantahin."
Tinignan niya ang hawak kong papel.
"Kay Ed Sheeran po ito diba? Bakit po ayaw niyo? Ang ganda kaya niyan."
Tumingin ako sa kanya.
"I mean...ang ganda po kaya niyan."
Tinignan ko ang papel. Paano ko ba toh kakantahin?
"Baka magkalat lang ako sa stage."
"Sir, seriously? You're doing great during your rehearsals. Kaya niyo po yan Sir."
Pilit akong ngumiti. Sana nga..sana nga kaya ko.
"Ganito na lang Sir. Isipin niyo, walang ibang tao dito sa Araneta. Isipin niyo kayo lang tapos nasa harap niyo yung babaeng pinakama-mahal niyo. Tapos kinakantahan niyo siya. Tapos.."
Hindi ko na inintindi ang iba pang sinabi ni Anne. I remembered one thing.
"Tulungan na lang kita. Kunyari ako si Samantha ."
"Sus. Di pa rin magwo-work yan noh."
"Edi isipin mo na lang ako yung babaeng mahal mo."
Naalala ko yung isang bes na hindi ko makibasado ang linya ko. She told me the same thing. To think that I'm throwing those lines to the one I love. And that is her.
"Sir? Sir! Magii-start na daw po! Okay lang kayo Sir?"
Bumalik ako sa realidad tsaka wala sa sariling tumango-tango. Focus Matthew. Hindi mo na siya dapat naaalala. Hindi na dapat.
BINABASA MO ANG
ILWMPA: The One
FanfictionDalawang taon na ang nakakaraan pero hindi niya pa rin alam kung ano ba ang salitang 'move on'. Paano ba? Paano ba mag-move on? Paano kung yung kaisa-isang taong bumuo at kumumpleto sayo ay wala na? Paano ka makakapag-move on kung sa buong buhay mo...