Wherever you go, as long as you're with the love of your life, you're already in the best part of the world.
-----------------------------------------------------
Chapter 23
Miracle's POV
"Sis, gumora ka na lang, okay? Pinapatagal mo pa lalo eh! Aba! Bilis-bilisan mo at may date pa kami ni Angelo!"
Natawa na lang ako sa pagfi-feeling Yna Macaspac ni Anna. Pano kasi, yung 'g' ni Angelo na 'j' dapat ang bigkas ay ginagawa niyang 'h'. Haha!
"Pero Sis, wala na rito si Paolo. Kanino ko ibibilin yung Restau?"
"Duh! Kaya nga nag-hire ka ng manager diba? Go na kasi! Arte-arte!"
Napa-sighed na lang ako tsaka kinuha ang maleta ko. Kinakabahan kasi ako eh. Baka mamaya habang nasa Ilocos kami may mangyari sa restau. Inilabas ko ang phone ko para i-contact si Chef Ly.
"Uy!"
Tinignan ko ng masama si Anna nang kunin niya ang phone ko.
"No phone allowed! Ako na ang bahala sa restau mo, Sis! Go na!"
Pinagtulakan na niya ako sa labas ng pintuan ng sarili kong kwarto kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas na talaga. Pagbaba ko sa hagdan ay isang anghel na naka-white shirt at jeans ang sumalubong sa akin.
Ghad. Ang pogi.
Hala! Anong nangyayari sakin?
"Wow! Color of the day ba ang white?"
Napalingon ako sa nanunuksong si Anna. Baliw talaga. Pero oo nga noh? Naka-white rin pala ako.
"Oh, ayan na pala siya Matthew. Take care of my daughter, okay?"
Napatingin naman ako sa tatay ko. Bakit ganun? Parang pinapamigay na nila ako eh. Ha-ha!
"Of course. I will."
Aww. Ngiting tagumpay ang mokong na 'toh ah!
"Oh siya! Lakad na."
Nauna na akong lumabas sa pintuan matapos kong magpaalam kay Tatay. Pero napahinto ako nang marinig ang binulong ni Tatay kay Matthew na nasa likod ko lang.
"Please, make her remember everything."
Tama ba ang dinig ko? Make her? Ako? Ano nga ulit? Hayy, naku! Hayaan mo na nga. Baka guni-guni ko lang o di naman kaya ay mali ang pagkakarinig ko.
"Akin na yan."
Napangiti na lang ako nang kunin niya sa kamay ko ang maleta ko at nauna nang maglakad papunta sa van na nasa tapat ng gate. Grabe ah. Nagpapaka-gentleman. Ha-ha!
"Good morning, Ma'am."
"Good morning po."
Bati ko sa driver. May driver pala? Akala ko solo namin ni Matthew ang buong trip. Wait. Ano?! Ghad! Ano bang kinain ko kanina at ganito ang mga pinagii-isip ko? Grabe. Masama na 'toh. This is bad.
"That is love."
"Huh?"
Napalingon naman ako kay Matthew na katabi ko pala. At aba, umaandar na pala kami. Teka, bakit madilim pa? Ala-una palang pala ng umaga? Bakit hindi ko napansin ang mga ito kanina?
"Di ka nakikinig sakin noh? Ang sabi ko, after this trip ay sisimulan ng i-shoot ang next movie ko na entitled 'That is love' kaya magiging busy na ko. Kaya gusto ko, masulit natin ang one week vacation na 'toh."
BINABASA MO ANG
ILWMPA: The One
Hayran KurguDalawang taon na ang nakakaraan pero hindi niya pa rin alam kung ano ba ang salitang 'move on'. Paano ba? Paano ba mag-move on? Paano kung yung kaisa-isang taong bumuo at kumumpleto sayo ay wala na? Paano ka makakapag-move on kung sa buong buhay mo...