Epilogue

208 3 0
                                    

Miracle's POV

Nakakainis!

Alam kong napaka-busy niyang tao pero bakit di man lang niyang magawang mag-text sakin? Kahit simpleng happy face lang, wala!

"Ay nako ha! Nakakaloka! Sis naman. Artista ang boyfriend mo, normal lang na busy yun. Alam mo namang kaliwa't kanan ang taping nun. May movie na, may teleserye pa. Tsaka ang mahal-mahal ng text mula Europe papunta rito ha!"

Napatingin ako kay Anna at Angelo. Nasa Europe kasi ngayon si Matthew para sa isang tour.

"Sinasabi mo lang yan kasi magkasama kayo sa business niyo at pareho kayong may time para sa isa't isa."

Bukod sa magkasama silang nagtitinda ng mga condo units ay nagsimula na rin silang magpagawa ng mga apartments na paparentahan nila. Hinahanda na nila ang mga iyon para sa future nila. Ang di ko lang ma-gets, bakit hinihintay pa nila ang next year bago sila magpakasal?

"Eh bakit si Lex? Super understanding niya. Kahit sobrang busy si Paolo sa studies niya, nakeri niya! Ayun! Grabe! Ang pogi ng unico hijo nila!"

Yun din, isa pang nakaka-bitter. Apat na taon na ang lumipas simula nung umalis sina Pao rito sa Pilipinas. Nagkamabutihan sila ni Lex and eventually, na-fall sa isa't isa. Plano talaga ni Anna na last year sila magpapakasal ni Angelo kaya lang may plano na rin palang magpakasal sina Lex non kaya hayaan na daw muna sila at ibigay muna ang spotlight sa kanila. Yun nga lang, one year na namin silang hindi nakikita dahil nga sa may baby na sila at medyo busy. Si Lex bilang fashion designer at si Paolo bilang architect.

"Sis, wag kang mag-alala. Kahit super bonggang artista na ng boyfie mo, di ka nakakalimutan non. Siguro di lang talaga makahanap ng time para i-text ka pero for sure palagi kang iniisip nun."

Eh kasi naman! Three days straight na niya akong hindi man lang kinakamusta! Parang mas gusto ko pa na Teen King lang siya. Kahit gaano siya ka-busy nakukuha niya pa rin akong tawagan. Eh ngayong isa na siya sa mga pinaka magagaling at in demand na actor, ni text wala.

"Ikaw naman, Sis. Ituon mo na lang muna ang pansin mo rito sa restaurant mo. Wag kang mag-isip ng kung ano-ano, okay?"

Napatingin ako sa paligid ng restaurant ko. Out of 15 branches, ito ang pinaka-original. Di ko inexpect na sobrang magiging succesful nito. Nakakatuwa rin dahil ito ang dahilan kaya nakahanap ng lovelife si Chef Ly at naging straight pang guy. Nakakaloka talaga! Naunahan pa nga nila si Lex na magpakasal eh.

"Wait nga lang. Bakit ba hindi pa kayo magpakasal ni Angelo this year?"

"Eh kasi, ayokong agawin ang spotlight mo!—"

Kumunot ang noo ko nang takpan ni Angelo ang bibig ni Anna.

"Uhmm..a-ano, iniintay pa kasi naming matapos yung mga apartment! Yun nga! Hehe!"

Ang weird nila. Super.

Nag-ring ang phone ko kaya agad ko yung kinuha.

"Gab?"

See! Buti pa si Gabriel nakukuha akong tawagan kahit sikat din siya! Eh yung Matthew na yon? Tse!

|Hi, Miracle. How are you?*Gabriel! Just ask her straight! May hinahabol tayong oras, remember?!* Oo na, babe! Naririndi sayo yung kambal eh.|

Napailing na lang ako. The year after ng airport scene ni Matthew ay nag-propose si Gabriel kay Samantha. And now, they have so cute twins! A girl and a boy. Three years old palang sila pero sumasabak na sila sa modeling. Sigurado paglaki ng mga iyon, magiging magaling din silang artista.

ILWMPA: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon