Twenty-seven: The Airport

137 3 0
                                    

Kapag kaya mong gawin ang lahat para sa kanya, confirmed. Mahal mo nga siya.

------------------------------------------------------

Chapter 27

Miracle's POV

Natatanaw ko na yung eroplano. Konting lakad na lang at aakyat na ako sa hagdan.

Tama ba 'tong desisyon ko? Ang pagbalik ba sa Singapore ang magiging solusyon sa problema ko?

Eh ano nga ba ang problema ko?

Gulong-gulo na talaga ako sa sarili ko.

Nasa hagdan na ako at lahat, ang lalim pa rin ng iniisip ko.

Nakaramdam ako ng lamig kaya isinuot ko ang jacket ko at ipinasok ang mga kamay ko sa bulsa nito. Laking gulat ko nang may makapa ako sa isa kong bulsa. Inilabas ko ito at bigla na lang akong napahawak sa ulo ko tapos ay sa dibdib ko.

Singsing.

And this looks so familiar.

"Miss, ano ba? Sasakay ka ba o ano? Nakaharang ka kasi eh."

Napatingin ako sa babaeng nasa likod ko. Nagrereklamo na rin ang mga kasunod ko.

"Ate, paano niyo po malalaman kung totoong mahal niyo ang isnag tao?"

"Ano ba namang tanong yan? Edi siyempre kapag handa mong gawin ang lahat para sa kanya."

Handang gawin ang lahat? Kahit iwan siya? Yun ba ang magpapasaya sa kanya?

"Ano, Miss? Sasakay ka ba o ano?"

Ningitian ko ang babae at humakbang pataas.

---

Matthew's POV

Piso.

Piso ang nakuha ko.

Sh*t! Susundan ko siya! Susundan ko siya!

Di na ako nag-isip pa at lumabas na agad ako ng sasakyan. Patakbo akong pumasok sa pinaka airport. Palinga-linga lang ako. Ang daming tao. Di ko siya makita. Arrghh. Miracle, where are you?

"Omyghee! Si Matthew Kristoff ba yun?"

"Ay bakla! Oo siya nga! Nakakaloka!"

"Anong ginagawa niya rito? May shooting ba?"

"Shocks! Puntahan natin, girl!"

Tumakbo na agad ako. Wala nga pala akong disguise!

Narinig kong tinatawag na ang mga pasaherong sasakay sa eroplanong sasakyan ni Miracle. No time to hide. This is now or never!

"Sir Matthew! Tulungan na po namin kayong maka-alis dito."

Napatingin ako sa isang guard. Napalingon ako sa kabilang side at nakita ko ang mga babaeng patakbo papunta skain.

"Kuya, please. Kailangan kong pumasok. May kailangan akong habulin."

"Sir, di po kayo pwedeng pumasok sa loob kung wala kayong ticket."

"Okay. San ba bilihan ng ticket?"

"Dun po."

What the! Ang haba ng pila!

"Kuya di ba pwedeng kahit wala ng ticket? Saglit lang akong papasok. Sige na naman, Kuya."

"Sir, pasensya na pero di po talaga pwede."

ILWMPA: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon