Hindi kailanman maaaring maging permanenteng sagot sa isang problema ang pagtakas dito.
----------------------------------------------------------
Chapter 26
Miracle's POV
I slowly opened my eyes and all I can see is the white ceiling. I feel someone's beside me pero di ko na iyon pinansin. I have one person in my mind.
"M-Matthew.."
"Miracle? G-Gising ka na... Sandali, tatawag ako ng doktor."
Tumayo si Tatay pero hinila ko ang kamay niya kaya napatingin siya sakin.
"M-Matthew.."
Hinawakan niya ang kamay ko tapos ay ngumiti siya sakin.
"He's okay. Don't worry, kay? I'll just call the doctor."
Pinagmasdan ko ang likod niya habang palayo siya ng palayo sakin hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Masakit ang katawan ko pero alam kong higit pa rito ang nararamdamang sakit ni Matthew.
Si Matthew..
Napahawak ako sa dibdib ko. Naaalala ko na. Naaalala ko na ang lahat. Simula sa simula hanggang sa aksidente.
Naalala ko ng hindi lang siya basta isang artistang minsang pinagsilbihan ng chef na 'toh na dati palang isang PA.
Pero ang nakakainis, kung kailan ako nakasigurado sa kung saan ako nagmula, doon ako nagduda sa kung ano talaga ang nararamdaman ko.
Alam ko, aware ako na habang kasama ko si Mathew ay may ilang pangyayari akong unti-unting naaalala. At ngayong alam ko na na may malaki pala siyang parte sa puso ko, hindi ko alam kung totoo..kung totoo ba 'tong nararamdaman ko para sa kanya.
Minahal ko ba siya dahil sa kung ano siya ngayon o dahil lang sa naalala kong mahal ko pala siya?
Alam kong magulo. Sobrang gulo talaga.
Ang dami ring tanong sa utak ko. Bakit di na lang niya sinabi sakin? Kailangan ba maaksidente pa ako bago maalala ang lahat? Alam kong iniisip lang nila ang kabutihan ko pero sana ikinuwneto na lang nila sakin lahat ng maayos hindi yung nagmumukha akong— aarghh! Nakaka-frustrate na 'tong nangyayari.
Dumating yung doktor at may ginawa siyang ilang test sakin. Wala naman daw akong masamang tama. Ilang galos at pasa lang. Nang umalis yung doktor ay agad kong tinignan si Tatay.
"Pwede ko ba siyang puntahan, Tay?"
Ngumiti sa akin si Tatay at tumango. Sinamahan niya ako sa room ni Matthew. Expected ko na ang mga bodyguard na nagbabantay sa pintuan niya pero nagulat ako nang kusa nila akong pagbuksan ng pinto. Hindi ko alam kung dahil ba nasa likod ko lang si Tatay o dahil sa inaasahan talaga nila ako.
"Nakamusta ko na siya kanina kaya mabuti pa ikaw na lang ang pumasok."
Tumango ako kay Tatay at dahan-dahang pumasok sa kwarto. Napatakip ako sa bibig ko habang pinagmamasdan ko siyang natutulog. Nakatagilid siya dahil siguro sa mga bubog sa likuran niya. May dextrose rin siya at ilang sugat sa iba pang parte ng katawan niya.
Pero kung matulog siya parang walang nangyare.
Nilapitan ko siya tapos ay umupo ako sa upuan na nasa tabi niya. Tinitigan ko lang siya. Di ko napigilang haplusin ang buhok niya. Sinuklay ko ito gamit ang mga daliri ko.
This is the man I loved.
Galit kaya siya sakin? Ako ang dahilan kung bakit ganyan ang itsura niya ngayon, kung bakit mukhang mapapatagal pa ang pagbalik niya sa showbiz at baka mas magalit siya kapag sinabi kong—
BINABASA MO ANG
ILWMPA: The One
FanfictionDalawang taon na ang nakakaraan pero hindi niya pa rin alam kung ano ba ang salitang 'move on'. Paano ba? Paano ba mag-move on? Paano kung yung kaisa-isang taong bumuo at kumumpleto sayo ay wala na? Paano ka makakapag-move on kung sa buong buhay mo...