Ang saya lang na meron pa ring mga taong naging parte ng nakaraan mo na handa pa ring maging parte ng kasalukuyan at hinaharap mo.
-------------------------------------------------------
Chapter 7
Miracle's POV
"Hayy, kapagod."
Hinubad ko na ang apron ko tsaka ko pinunasan ang pawis ko.
"Oo nga po Ma'am eh. Ang daming cutomers."
Sabi naman ng isa kong staff.
"Nakakatuwa nga eh. Ang saya!"
Sabi naman ng isa.
"Oh sige na. Magsi-uwi na tayo."
Sabi ko sa kanila. Nagpaalam na sakin yung ibang staff at nauna na silang umuwi.
"Kayo? Hindi pa ba kayo uuwi?"
Tanong ko sa dalawang janitor na natira.
"Sige po Ma'am, lilinisin pa po namin yung restaurant eh."
"Ganun ba? Eh sige. Kailangan ko na kasing mauna eh. Kayo na ang mag-sara ng resto ha? Thanks!"
Nagpaalam na ko sa kanila. Mapagkakatiwalaan na man ang mga yun.
Tinignan ko ang phone ko habang naglalakad papunta sa kotse ko.
From: Tatay
Are you home? I'm not still in the house. Kumain ka na ba? Take a rest, okay? I love you.
Napangiti ako at agad na nag-reply sa kanya.
To: Tatay
Pauwi pa lang, Tay. And yap! Kakain na po ako. Kain na rin po kayo ha? Ingat and I love you!
Sakto namang pag-angat ko ng ulo ko ay may naaninag akong tao. Nakasandal siya sa kotse na katabi ng akin.
"Matthew? What are you doing here? Gabi na ha? Kanina ka pa?"
Medyo nagulat din siya dahil nakatingin siya sa phone niya. Hindi niya napansin ang paglapit ko sa kanya.
"Uhmm..kakadating ko lang dito ng mga around..9:45 pm."
Tinignan ko ang wrist watch ko.
"Ha? Eh 11:00 pm na ha? Sana pumasok ka na lang."
Nagkamot pa siya ng ulo niya.
"So..I think there's something important na naghintay ka pa talaga ng more than an hour para maka-usap ako."
Natatawa kong sabi.
"Well, I know na ayaw mo ng maging ka-close ulit yung mga tao sa past mo kaya lang..gusto ka nilang makita eh."
"Sino-sino sila?"
"Uhmm..yung mga kasama natin sa bahay."
Kumunot ang noo ko.
"Natin? Sa bahay? You mean..we lived under one roof before?"
"Uhmm yeah. Stay in ka kasi dati as my PA."
Nag-nod na lang ako.
"So..is it okay? Can I pick you up here at 8 pm?"
Medyo natawa ako.
"Sure. Pero..na-inform ka naman siguro na uso na ang text or tawag tutal may number naman ako sayo."
BINABASA MO ANG
ILWMPA: The One
FanfictionDalawang taon na ang nakakaraan pero hindi niya pa rin alam kung ano ba ang salitang 'move on'. Paano ba? Paano ba mag-move on? Paano kung yung kaisa-isang taong bumuo at kumumpleto sayo ay wala na? Paano ka makakapag-move on kung sa buong buhay mo...