Love is a fighting game. Fight or you'll lose.
-----------------------------------------------------------
Chapter 9
Matthew's POV
"Uhmm..hi Sir. Alam niyo po, may kamukha po kayo."
Sabi ng babae sakin habang iniikot niya pa yung hibla ng buhok niya sa daliri niya. Sa dalas ko dito sa resto ni Miracle, namu-mukhaan na ko ng mga staff niya.
"Uhmm..pwede bang patawag si Miracle?"
Medyo inayos ko pa yung shades ko para hindi ako masyadong mahalata.
"Ang haba naman ng hair ni Ma'am. Dalwa-dalwa ang boylets! Sige po Sir, check ko po kung nandiyan na siya."
Dalwa..dalwa? What does it mean? May iba pang pumuporma kay Miracle?!
"Oh. What are you doing here?"
Agad na nag-init ang ulo ko sa lumabas mula sa kitchen.
"I'm just here to talk to Miracle."
Pormal kong sabi. Nakaka-asar yung ngiti niya!
"You can't talk to her. She's working so please don't disturb her."
"I'm not disturbing her. It's also for her own good."
"For her own good? I think it is not good for her if you'll always here."
"And how did you know?"
"Because I know her. Ganun kami ka-close."
"Sorry to say but we're closer."
Nagtitigan kami. Epal talaga tong lalaking toh. Kung maka-asta daig niya pa si Tito. Masyadong pa-epal!
"Oh. Musta ang staring contest?"
Sabay kaming napa-kurap at napatingin kay Miracle na kakadating pa lang.
"A-Anong ginagawa mo diyan?"
Tanong sa kanya ng lalaking mukhang pusit.
"Uhmm..wala. Kakapasok ko lang. Sorry kung late ha? Medyo tinanghali ako ng gising."
"Working, huh?"
Pang-aasar ko sa kanya. Working niya mukha niya! Eh eto at kakapasok pa lang pala. Liar.
"Diba magta-trabaho ka na Miracle? So that means, makakaalis ka na. Hindi niya kailangan ng istorbo dito."
Halatang asar na rin siya sakin. Pero mas asar ako sa kanya! Sino ba siya dito?! Siya ba ang may-ari ng restaurant para paalisin niya ko?!
"Hey! Grabe ka naman Paolo. I'm sure there's an important thing kaya nandito si Matthew. Wag mo naman siyang paalisin."
Tumingin ako kay Paolo tsaka siya ningitian. Ahh no. It's a smirk. In tagalog, ngiting tagumpay.
"Fine. Ano bang pinunta mo dito?"
Asar na tanong ni Paolo. Buti nga!
"Hindi ikaw ang kakausapin ko so please shut up."
"Tumigil na nga kayo! Ang gulo niyo kamo. By the way, bakit ang daming bodyguards na nakatambay dun sa labas? Sino ba ang VIP guest natin ngayon?"
Tanong samin ni Miracle.
"Eh sino pa ba ang pa-VIP dito?"
Pang-asar na tanong ni Paolo sabay tingin sakin. Epal toh ah!
BINABASA MO ANG
ILWMPA: The One
FanfictionDalawang taon na ang nakakaraan pero hindi niya pa rin alam kung ano ba ang salitang 'move on'. Paano ba? Paano ba mag-move on? Paano kung yung kaisa-isang taong bumuo at kumumpleto sayo ay wala na? Paano ka makakapag-move on kung sa buong buhay mo...