Four: The Start

227 8 1
                                    

Ang sarap sa feeling na may taong handang gawin ang lahat para sayo. Sila yung mga taong hindi mo dapat palagpasin sa buhay mo.

----------------------------------------------------

Chapter 4

Matthew's POV

This is it.

Simple lang naman ang plano: Pormal akong makikipagkilala sa kanya, pipilitin kong maging close kami, unti-unti kong ipapaalala sa kanya ang lahat hanggang sa bumalik ang memorya niya, hanggang sa bumalik ang pagmamahal niya sakin.

Inayos ko ang cap ko. Medyo binaba ko yun para hindi masyadong makita ang mga mata ko tsaka ako lumabas ng kotse. Nakausap ko na si Tito, he told me that he will answer all of Miracle's questions about me in the future which is a big help. And Anna will help me, too. Ia-update niya ko kung nasaan si Miracle and what she's doing just like now. She's here in the mall. She's meeting this girl Anna called Lex.

Napahinga na lang ako ng malalim. Two years. I wasted all of that. Sana pala hinanap ko si Tito. Pero this is not the right time for regretting things. This is the right time to fix everything.

Pumasok ako sa mall at agad ko siyang hinanap. Nakita ko siyang naglalakad dito sa may department store. Mas ibinaba ko pa ang cap ko tsaka ako nagsimulang maglakad habang nakatingin sa lapag. Kailangan ko lang siyang bangain then bang! I'll introduce myself to her.

"Oh, Sorry!"

Sabi ko nang maramdaman kong may nabangga na ko. Itinaas ko ang tingin ko sa nabangga ko. Patay.

"It's okay. You looked familiar. Oh my gosh. Matthew Kristoff?"

Nakita ko siyang naglalakad palayo. Patay! Iba ang nabangga ko!

"Ahh, no. No. Baka ano...kalokalike lang. Hehe."

Pero tinignan pa rin ng babae ang mukha ko.

"Ahh..eh..I..I have to go. Sorry!"

Agad akong tumakbo but it's too late.

"Ghad! I'm sure he is Matthew!"

"What? Tara! Habulin natin!"

And I ended up running. Teka nga. Bakit pa ba ko tumatakbo? Eh mukhang hindi na naman nila ako hinahabol? Tumingin ako sa paligid ko. Wala naman sila. Hayy. Ano ba yan. Napatingin na lang ako sa lapag tsaka ko inayos ang cap ko. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko si Miracle na parang may hinahanap. Ayos!

Huminga ako ng malalim tsaka tumakbo palapit sa kanya. Hinawakan ko agad ang braso niya.

"Hey!"

Lumingon ako sa kanya habang natakbo pa rin kami. Halatang nagulat siya nang makita niya kung sino ako. Hinila ko siya sa likod ng mga damit.

"I'm sorry but can you please hide me? Hinahabol ako ng mga fans ko eh."

Okay. I lied.

"Ha? Wala naman eh."

Lumingon-lingon pa siya.

"Basta. Please?"

She sighed. Tumingin muna siya sa paligid tsaka niya ko hinila papunta sa fitting room. Pumasok kaming dalawa sa isang cubicle. Pinanood ko lang siya habang nila-lock niya yung pintuan. Dinikit niya pa yung tenga niya sa pinto para siguro pakiramdaman kung may nakasunod samin.

She is here. She's in front of me but I can't hug her nor touch her. But still, I'm happy. She's alive. And I'm now starting to bring back what we are before.

ILWMPA: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon