Twenty-five: The Letter

118 3 1
                                    

What if everything that happened in the past will happen again in your present?

-----------------------------------------------------------

Chapter 25

Miracle's POV

Sobrang bilis ng mga pangyayari. It's been a week since that kidnapping accident. Sobrang thankful kami na may nakakita sa aming mga pulis nang makarating na kami sa gilid ng kalsada. Nakarating din sa media ang nangyari. Isa palang sindikato ang mga iyon na nangingidnapped ng mga sikat at mayayamang tao.

Kinasuhan nila ang mga iyon pero hindi na ako nangielam. Sila Tatay na ang bahala don dahil sinabi kong ayoko nang maalala pa ang pangyayari na iyon. Ayoko na ring makita ang mga lalaking yun.

From: Matthew

See you later. <3

Napangiti na lan ako ng kusa. Kailan pa siya natutong maglagay ng heart emoticon? Alam ko ang iniisip niyo, pero hindi pa. Mamaya siguro. Ha-ha!

Magde-date kami mamaya ni Matthew and I'm really excited. Sasagutin ko na siya ngayon. Alam ko sa sarili ko, may nararamdaman talaga ako para sa kanya.

Itinabi ko na ang kontrata at nagdesisyong maghanap ng isusuot para mamaya. Pumirma na kasi si Matthew ng contract na ie-endorse niya ang restaurant ko.

Nabuksan ko ang isa sa mga drawer at bumungad sakin ang isang shoe box. Kinuha ko iyon at binuksan. Yung message in a bottle. Ang tagal ko na pala itong hindi nabubuksan. Hindi ko na pala nahanap kun kanino ito galing.

Binuksan ko ito at inilabas ang sulat. Grabe talaga ang pinagdaanan ng taong ito. Napatingin ulit ako sa pirma at nanlaki ang mga mata ko. Kinuha ko ang kontrata tapos ay pinagtabi ko ito. Yung pirma..parehong-pareho.

H-Hindi.. A-Ako talaga 'toh? At si Matthew? Binasa ko muli ang sulat habang nangingilid na ang luha ko.

Miracle,

Nasaan ka na? Masya ka ba diyan ha? Binabantayan mo ba ako diyan? Gusto mo bang..sumunod na ko diyan? Alam kong nasa langit ka na pero sabihin mo lang at susundan kita diyan. I know..I know killing myself is not a good answer in all of my questions but how? Paano ko malalaman ang mga sagot sa mga tanong ko kung iniwan mo na ko? Bakit mo nga ba ako iniwan Miracle? Bakit mo ko iniwan? Bakit hindi mo ko hinintay? Bakit? Bakit ang sakit ng puso ko? Ng utak ko? Ng buo kong katawan? Bakit parang may kulang? Bakit...bakit parang wala na kong halaga sa mundo? Bakit Miracle?

Galit ka pa rin ba? I'm sorry...I'm sorry sa paninira ko sa buhay mo. Anong klase akong tao para sirain ang buhay mo? Wala akong kwenta. Dahil sakin naaksidente ang nanay mo, dahil sakin nasira ang pamilya mo, dahil sakin hindi mo naabutang buhay ang nanay mo...at dahil sakin kaya wala ka na sa mundong ito. I'm sorry... If I can only ride in a time machine..babalik ako sa mga panahong iyon at itatama ko ang lahat..I'm sorry..I'm sorry if I did not trust on your love for me. Sorry kung di ko kaagad sinabi sayo kahit alam kong maiintindihan mo naman ako..sorry kasi natakot ako. Natakot ako na baka pag nalaman mo layuan mo ako. Natakot ako na..na baka iwan mo ko. Ikaw lang ang kumumpleto sakin and I can't afford to lose you..I'm sorry...

I'm sorry kung nakita mo akong may kayakap na iba..I'm sorry pero I swear, mali ka ng inaakala. Hindi ko siya babae.. I just offer my shoulder for her to cry on dahil lasing siya at nasasaktan din siya..nasasaktan siya katulad ko, katulad mo. Nakita kita sa kanya at mukhang nakita niya rin sa akin ang boyfriend niya. Lahat ng sinabi niya..para sa boyfriend niya yun at hindi sakin... Alam mo ba? Okay na ulit sila..sana tayo rin pero huli na ang lahat... It's too late..

I'm sorry.. Because of me you died. Because of me.. Nang dahil sakin nawala ang kaisa-isang taong minahal ko.. Pero Miracle ang sakit.. Ang sakit makita na sa mismong harap ko doon ka namatay..na sa mismong mga kamay ko binawian ka ng buhay.. Ang sakit.. Ang sakit sakit Miracle na para na rin akong namatay..Sana ako na lang... Sana ako na lang at hindi ikaw..kasi ang sakit eh...

ILWMPA: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon