May mga tao talagang dadating sa buhay mo para sirain ka.
-------------------------------------------------------
Chapter 28
Miracle's POV
Sinuklay ko na ang buhok ko. Grabe. Tinanghali na ko ng gising pero hindi pa naman late for work. Sinilip ko ang phone ko. Tss. Hindi man lang nagpaparamdam yung Matthew na yun!
"Ma'am? Ey dalian niyo po riyan!"
Kinuha ko na ang sling bag ko tsaka ko binuksan ang pinto at bumungad naman sakin si Manang.
"Bakit ho? Andiyan pa po ba si Tatay?"
Ang alam ko kasi kaninang madaling araw pa umalis si Tatay.
"Ay! Hindi ho. May pogeng naghehentay sa inyu sa baba."
"Ganun ho ba? Sige po, salamat."
Bumaba na ko sa may hagdan tsaka ko siya ningitian.
"Hi pri- friend ko. Good morning."
"Good morning. So.."
"Yap. Tara na."
Ngumiti na lang ako. Dun kami sa sasakyan niya sumakay. Akala ko magiging awkward lang ang lahat pero mukhang okay naman. Nagku-kwentuhan pa rin kami. Parang balik friends ulit. Ang sarap sa feeling.
"Pao? Hindi na 'toh yung way sa restaurant ah."
Pinagmasdan ko ang paligid. Diba ito yung daan sa-
"Sino bang nagsabing pupunta tayo agad sa restaurant? May dadaanan muna tayo."
I smiled as we reached our destination. Lumabas siya tsaka siya umikot para pagbuksan ako ng pinto.
"Uhhmm..Paolo."
Napalingon naman agad siya sakin kaya hindi niya natuloy yung dapat ay pagpindot niya sa doorbell.
"Ano kasi..Hindi sa naga-assume pero alam kong..ano, mahirap 'toh para sayo. I know deep inside that you're hurt and I don't want to hurt you more. If you want, sa restau na lang tayo. Hindi naman natin siya kailangang-"
"Miracle, kailangan. Mahal ka niya at ako? Dating karibal na lang. And now that I'm starting to move-on, okay na rin siguro kung maging kaibigan ko siya. Isa pa, mas madaling mag-move-on kung palagi ko kayong nakikitang masaya. Para naman masabi ko sa sarili ko na kahit papano ay napasaya kita."
I sighed.
"Stop torturing yourself."
"I'm not torturing myself. Miracle.."
Lumapit siya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Oo. Nasasaktan ako pero ngayon lang 'toh. Itong nararamdaman ko, parang Math lang. Mahirap pero alam kong malalagpasan ko. Isa pa, mas bibilis ang paggaling nun kung makikita ka niya."
I smiled and nod at him. Ngumiti din siya tsaka hinila ang kamay ko at nag-doorbell.
Sorry talaga, Paolo. But I know, someday, you'll find someone that can love you for the rest of her life.
"And what are you doing here?"
Bumalik ako sa realidad nang magbukas na ang gate at bumungad ang PA ni Matthew na medyo kita ang cleavage tapos ay naka-mini skirt pa.
"Bibisitahin-"
Hindi pa nakakatapos si Pao ay pinutol na agad siya ni Anne.
"Nope. No visitors allowed. Makakaalis na kayo."
BINABASA MO ANG
ILWMPA: The One
FanfictionDalawang taon na ang nakakaraan pero hindi niya pa rin alam kung ano ba ang salitang 'move on'. Paano ba? Paano ba mag-move on? Paano kung yung kaisa-isang taong bumuo at kumumpleto sayo ay wala na? Paano ka makakapag-move on kung sa buong buhay mo...