Minsan kahit ayaw nating magkasakit ng iba, nasasaktan pa rin natin sila.
---------------------------------------------------------
Chapter 16
Miracle's POV
"Manang, nandiyan na po ba si Tatay?"
Tanong ko kay Manang pagka-labas ko sa kwarto ko.
"Ay! Opo, Ma'am. Nandoon sa may sala, nanonood ng TV."
"Thanks."
Bumaba na ko sa may hagdan at dumiretso sa may living room.
"Hi, Tay."
I said as I kiss his cheek.
"Good evening. How's your day?"
"Very fine, Tay. Super enjoy."
Iikot na sana ako para umupo sa tabi niya pero natigilan ako nang makita ko ang pinapanood niya.
"Breaking News! Bandang alas-siyete ng gabi kanina ay may naganap na isang aksidente sa set ng teleseryeng 'Fly with you'. Ang pangunahing bida nito na si Matthew Kristoff ay naaksidente sa di inaasahang pagkakataon. Ayon sa report ay nag-malfunction ang nakasuot na harness sa aktor dahilan upang ito ay mahulog. Maswerte itong bumagsak sa naka-abang na sofa kaya hindi gaanong malala ang mga natamo niyang galos. Bali sa kanang kamay at ilang gasgas sa katawan ang natamo ni Matthew sa naturang aksidente. Kasalukuyang nagpapagaling ang aktor sa Manila Hospital."
W-what?
Napatingin ako kay Tatay at nakatingin din pala siya sakin.
"You're worried?"
Nag-nod ako. Pinatay niya ang TV gamit ang remote control tsaka siya tumayo.
"I'll call my bodyguards para makalabas tayo. Ipapahanda ko na rin ang sasakyan. Go upstairs and change your clothes."
Ngumiti ako at yumakap sa tatay ko.
"Thanks, Tay."
Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin.
"Anything for my princess."
Ngumiti ulit ako at tumakbo na sa taas para magpalit ng damit. Agad kaming sumakay sa sasakyan pagkatapos. Sabi ni Tatay kailangan namin ng bodyguards dahil siguradong madami ang fans ni Matthew na nandun at for protection na rin. Hindi ko masyadong gets kung bakit parang ang OA niya pero hinayaan ko na lang dahil na rin siguro sa sobrang eager ko na makita si Matthew.
Pumasok na kami sa may elevator. Pinindot ng isang bodyguard yung 43th floor. Naka-hoody ako. Hindi daw kasi imposibleng may makakita sa amin na dumadalaw kay Matthew kaya mas maganda kung walang makakakita sakin. Lumabas kami sa may elevator at naglakad palapit sa isang kwarto. Unlike sa ibang floor, walang pakalat-kalat na tao dito. May nagbabantay na dalawang security sa elevator at ganun din sa mismong pinto ng kwarto ni Matthew.
"Diyan na lang po muna kayo, Sir. Kailangan po namin kayong kapkapan."
Nag-nod si Tatay tsaka niya tinaas ang dalawa niyang kamay. Kinapkapan naman siya ng isa sa mga security. Kukunin sana yung phone niya pero dahil alam nila na magkaibigan sila ni Matthew ay hindi na ito kinuha ng security.
"Sir, kailangan din po naming kapkapan ang mga kasama niyo."
Kahit nakayuko ako ay kitang-kita ko ang pagtingin sakin ng security. Mga lalaki ang mga ito kaya hindi na ako nagtaka nang hawakan ni Tatay ang kamay ko at itinago ako sa likod niya.
BINABASA MO ANG
ILWMPA: The One
FanfictionDalawang taon na ang nakakaraan pero hindi niya pa rin alam kung ano ba ang salitang 'move on'. Paano ba? Paano ba mag-move on? Paano kung yung kaisa-isang taong bumuo at kumumpleto sayo ay wala na? Paano ka makakapag-move on kung sa buong buhay mo...