Twenty: The Press Conference

114 5 0
                                    

Gagawin niya ang lahat, maprotektahan ka lang. Ganyan ka niya kamahal.

-------------------------------------------------------

Chapter 20

Matthew's POV

"Ready?"

Napatingin ako kay Dad. Kahit si Mom nandito. Tinignan ko ulit ang repleksiyon ko sa salamin. Naka shirt at pants lang ako tsaka leather jacket.

"I think so."

This is it. Sana malinis ko na ang pangalan ko.

Lumabas na kami sa may dressing room at naglakad papunta sa venue ng Press-con. Pagpasok namin ay sandamakmak na flash agad ang bumungad sa akin. Umupo na kami sa mahabang lamesa na nasa tapat.

"Good evening. Thank you for coming. And before we start, gusto kong malaman niyo na hindi ko magagawa ang bagay na iyon."

Matigas kong sabi. Dinig na dinig sa buong kwarto ang boses ko dahil sa mga mic na nasa harapan ko.

"Pero ano ba talaga ang nangyari, Matthew? According to my source, PA mo raw ang nasa mga picture na puno ng pasa, ikaw ba talaga ang may gawa nun?"

"Oo nga. How will you explain that?"

"Totoo ba na tinangka mo siyang-"

"Enough!"

Nagulat ako sa pagsigaw ni Dad at ganun na rin ang iba. Huminga siya ng malalim tsaka muling umupo sa upuan niya.

"Please let my son to explain himself. You don't know him so don't judge him."

Ngumiti ako sa kanya at nag-nod at ganun din siya sakin. Huminga ako ng malalim at muling humarap sa madaming tao.

"Anne Reyes was my PA for almost 2 years. We worked professionally. One night, I just saw her in front of me, stating her love for me and of course, I rejected her. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at ginagawa niya ang mga bagay na ito. Kasalukuyan ng umuusad ang isinampa niyang kaso sakin and I know I'll win this one because we have a strong evidence. And for now, I want to thank all those who are still supporting me. At sa lahat ng mga naniwala sa palabas na ito, imulat niyo po ang mga mata niyo. Hinding-hindi ko po ito magagawa."

Matigas kong sabi.

"What kind of evidence is that?"

Napatingin ako sa isang paparazzi.

"A CCTV footage. Inaamin ko na nasaktan ko siya but that is because I want her to stop what she's doing."

"Pero Matthew, hindi naman namin pwedeng makita ang video na yun. Wala ka na bang ibang pwedeng sabihin para ma-convince kami na gumagawa lamang ng kwento ang PA mo?"

"Oo nga. Sabi sa ilang source, nagkaroon ka daw ng girlfriend two years ago and she's Direk Kiko's daughter. Bali-balita rin na buhay pala ito. Anong masasabi mo?"

"Nakapag-move on ka na ba sa kanya o siya pa rin ang mahal mo?"

"We don't know her name dahil masyadong pribado si Direk Kiko. Can you tell us who she is?"

"Ano naman ang sinabi niya ng malaman niya ang balitang ito?"

Napapikit ako. Ito. Ito yung ayokong mangyare.

"Just tell them, Matthew."

Bulong ni Manager Si sakin. Umiling-iling ako tsaka tumayo.

"Sorry pero tapos na ang press-con. I won't entertain anymore questions."

ILWMPA: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon