Fourteen: The Battle Begins

181 4 1
                                    

Mahal mo? Ipaglaban mo!

---------------------------

Chapter 14

Miracle's POV

"Ma'am! Ma'am! May beseta po kayo sa baba!"

Napadilat ako bigla pero napapikit ulit. Aarrghh. Ang liwanag. Anong oras na ba? Parang medyo sumakit tuloy ang ulo ko.

"Ma'am! Beseta, Ma'am!"

"Opo!"

Inaantok pa ko eh! Bumangon na ko sabay kusot sa mata.

Ting ting! Ting ting!

Kinuha ko ang phone ko sa gilid ng kama ko. Grabe naman si Manang, yung bisayang pinaka-mayordoma dito. Nauna niya pa akong gisingin kaysa sa alarm ko.

"Manang, sino po ba yung bisita?"

Sabi ko paglabas ko. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko sabay unat.

"Ay! De ko po kelala pero Ma'am! Kepo-poge! Mga holog ata ng langet ang mga iyon eh! Mga anghel na bomaba dene sa lopa!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"What?! Anong anghel na bumaba sa lupa?"

"Eh basta Ma'am! Kong ako eh dalaga lang aba! Sosongaban ko kaagad ang mga pogeng yon eh!"

Napaatras naman ako. Grabe naman 'tong si Manang. Bumaba na lang ako kaagad. Baka mamaya ituloy ni Manang ang balak niya kawawa naman yung mga buwisita-este bisita ko na walang pakundangang ginising ako ng pagka-aga-aga.

"Kayo?! What are you doing here?!"

Naputol ang masama nilang titigan tsaka sila napatingin sakin. Oo, masamang titigan talaga dahil kung nakakapatay lang ang titig malamang kanina pa bumaha ng dugo at lamang loob dito. Eeww. Parang nawalan tuloy ako ng ganang mag-breakfast.

"H-hi."

Saby nilang sabi. Nagtinginan sila ng masama tapos tumingin ulit sakin sabay killer smile.

"Anong..ginagawa niyo dito?"

"Nanliligaw."

Sabay na naman sila.

"Wag mo kong gayahin! Mas pogi ako sayo!"

"Hep! Hep! Hep! Teka lang ha."

Sabi ko tapos ay pumagitna na ako sa kanila.

"Anong ginagawa niyo dito? Ng ganitong kaaga?"

"Picking you up."

Sagot ni Matthew.

"No. Ako. Ako ang susundo sa kanya."

"Ahh..ganon? Give me your keys."

Utos ko.

"Ha?"

Pinanlakihan ko sila ng mata kaya nagtataka nilang inilabas ang mga susi ng kotse nila. Kinuha ko yung kay Matthew gamit ang right hand ko at yung kay Paolo gamit ang left hand ko.

"Oh. Mag-drive na kayo sa kung saan mang lupalop 'cause I'm driving my car alone."

Sabi ko sabay tulak sa dibdib nila ng mga susi nila tsaka ako nag-walk-out habang naka-smirk. Akala niyo ha!

--

"Yiiiieee!"

Anong meron don? Bakit parang may nagtitilian sa kitchen? Pumasok na ko sa loob ng kitchen.

ILWMPA: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon