Six: The Reason

180 9 0
                                        

Lahat ng tao may hinahanap. Mahal sa buhay, taong makakasama habang-buhay at ang iba naman, hinahanap ang isang taong ni minsan ay hindi naging parte ng kanilang buhay. Hindi nga ba?

------------------------------------------------------

Chapter 6

Miracle's POV

Busy ako sa pagluluto dito sa restaurant. Every Sunday kasi namin sini-serve ang mga special dishes namin. Siyempre, ako ang nagluluto ng mga yun.

"Ma'am, ni-reject na naman po ng customer. Masyado daw pong maalat."

Napataas ang kilay ko sa staff na kumausap sakin. Pangalawang beses na siyang bumalik sakin para sabihin ang reklamo ng customer.

"Again? Maalat pa din?"

Nag-nod siya. Kumuha ako ng fork at tinikman ang luto kong Mixed Seafood Pasta. Hmm..okay naman ha? Anong maalat dito?

"Okay naman ang alat ha. Ano bang problema nun?"

Naiirita na ko ha. Ngayon lang may nagreklamo sa lasa ng kahit na anong dishes namin dito. Ang malupit, sa luto ko pa.

"Okay, sige. I'll just cook another one. Makukuha ko din ang lasa ng customer na yan."

Nag-nod siya at nagsimula na kong magluto. Pa-special tong customer na toh ha. Huh. Tignan natin. Papatayin kita..sa sarap. Gustuhin ko mang lagyan na toh ng lason, hindi naman pwede. May hahanapin pa ko, hindi ako pwedeng makulong.

"Here. Make sure na magugustuhan na niya yan ha. Tignan mo kung anong magiging reaksyon niya."

Utos ko sa staff na pumunta sakin kanina. Nag-nod lang siya. Almost five minutes na simula ng dinala niya yung niluto ko. Hayy, salamat naman. Mukhang na-satisfied na ang customer.

"Oh, may kailangan ka?"

Tanong ko sa staff na kumausap sakin kanina. Nagkamot pa siya ng ulo niya.

"Ma'am reject pa rin po eh. Ang kulit po. Ayaw ibigay sakin yung plato. Puntahan niyo daw po siya."

What the..

"Ang arte niyan ha. Saang table ba yan?"

Iritado kong sabi.

"Ma'am, sa may VIP room po."

Napataas ang kilay ko. Anak ng tokwa. VIP pa pala.

"Okay. Pupuntahan ko siya and I'll prove to her na walang problema sa luto ko."

Hinubad ko na ang apron ko.

"Pero Ma'am hindi naman po siya babae."

Hindi ko na pinansin ang binulong niya. Hindi ko rin naman naintindihan. Pumunta na ko sa VIP room. Hinarang pa ko ng dalawang bodyguard pero sinabi ko sa kanila na ako ang may-ari ng restaurant. Gosh! Kailangan ko pang ipakita ang calling card ko just for them to believe! Pagpasok ko, naabutan ko ang isa sa mga waiter ko na nandun lang sa gilid. Nakatalikod naman sakin yung..

"Oh, there you are! Sa wakas hinarap mo na ko!"

Laglag. Panga.

"You know what, I don't know pero there's something wrong with this food. I thought it will be the best one here but it turned to be the...worst."

Nagpanting ang tenga ko sa marinig ko.

"Worst? Alam mo ba yang sinasabi mo ha? Mr. Matthew Kristoff? My dishes are my masterpiece. Tapos kung lait-laitin mo lang akala mo naman isa kang world class chef!"

ILWMPA: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon