Realizing what's your feeling is one of the most difficult part of loving.
------------------------------------------------------
Chapter 24
Miracle's POV
"Wag ka na ngang magalit. Hindi yun big deal."
Wala pa ring imik si Matthew. Nakakaloko naman ang lalaking 'toh eh! Parang yun lang, nagalit agad?!
---flashback---
"Waaahhh! Pagudpod! Shocks! Ang ganda!"
Sobra! The view is.. Breathtaking! Basta ang ganda! Madaling araw palang ay bumiyahe na kami papunta rito kaya naabutan namin ang pagkaganda-gandang sunrise.
We're in a private resort. Medyo white sand siya at ang daming shells na nagkalat. Kakaunti lang ang mga tao at hindi na sila nagugulat kapag nakikita si Matthew. Lagi kaya siya rito? O sanay na ang mga itong makakita ng mga artista?
"Stay here. I'll get you a drink."
Nag-nod ako kay Matthew. Nakaupo lang ako sa may white sand. Napatingin ako kay Matthew sa di kalayuan tapos ay tumingin ulit ako sa dagat.
Alam niyo kung ano yung tunay na gwapo? Wala ngang ABS pero naman! Ang sexy niya pa ring tignan! Ang hot pa rin!
Masama na 'toh. Pervert brain! Bad!
Napatingin ako dun sa dalawang babae na nagbubulungan at pasulyap-sulyap kay Matthew. Para silang mga teen agers na mga kinikilig.
Psh.
"Hi, miss."
Napa-angat naman ako ng tingin.
"John? John Cortes?"
Mangha kong sabi. Ghad! Isa rin siyang artista! Ang pogi niya! Ang ABS! Wahhh!
"Yeah. Ngayon lang ata kita nakita rito. What's your name, Ms. Beautiful?"
Gosh! Nagfa-fangirl na naman ako! Pero bakit ganun? Sa paningin ko mas gwapo si Matthew? Para bang lahat ng itatapat mong lalaki, siya lang ang mangingibabaw? Masama na talaga 'toh.
Pero bago ko pa masabi ang pangalan ko ay may biglang tumawag sa kanya.
"John."
Matigas. Cold. At pamilyar. Nakakatakot ang boses niya kaya agad kaming napalingon. Sabay kaming napatayo nang makita namin si Matthew. Kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa pinagpiyestahan ng mga pating itong si John.
"Pare! Long time, no see. Tagal na nating di nagiging magka-trabaho. Buti nagka-free time ka pa para magswimming."
"Oo nga eh. Konti lang kasi ang free time ko. Di katulad mo na palaging may libreng oras para lumandi."
Oh-kay. Nakangisi pa naman si John pero si Matthew seryoso ang mukha. Nag-aaway ba sila?
"Sakit mo naman magsalita, Matt! Hindi ako lumalandi noh. I'm finding my true love."
Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong akbayan. Problema ng lalaking 'toh?
"Back-off, Dude. That girl can't be your true love. Hands-off with my girl or you'll feel my fist on your face."
Bigla namang napatanggal sa pagkaka-akbay ang kamay ni John at itinaas niya ito nang parang sumusuko.
"Relax, Matt. Hindi ko naman alam eh. Sorry, bro."
Tinignan lang siya ng masama ni Matthew kaya nagkibit-balikat siya at umalis na. Tinignan ko lang si Matthew habang nakakunot ang noo ko. Ang sama pa rin kasi ng tingin niya eh naka-alis na nga si John.
BINABASA MO ANG
ILWMPA: The One
Hayran KurguDalawang taon na ang nakakaraan pero hindi niya pa rin alam kung ano ba ang salitang 'move on'. Paano ba? Paano ba mag-move on? Paano kung yung kaisa-isang taong bumuo at kumumpleto sayo ay wala na? Paano ka makakapag-move on kung sa buong buhay mo...