Love is full of surprises.
------------------------------
Chapter 13
Miracle's POV
Hmm..
Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Umaga na pala. Sinilip ko ang phone ko. Phew. Akala ko late na ko. Maaga pa pala.
Tumayo na ko sa kama at pumunta sa banyo para gawin ang morning rituals ko. After nun ay umupo muna ako sa tapat ng study table ko. Hinila ko ang drawer ko at inilabas doon ang shoe box. Binuksan ko yun at bumungad sakin ang boteng halos dalawang taon ko ng tinatago. Binuksan ko yun at kinuha ang sulat sa loob.
Ako nga kaya yung Miracle na binabanggit dito? Sino kaya ang lalaking 'toh? Kahit anong gawin kong basa sa letter, pain lang ang nakikita ko. Walang clue. Well, aside sa handwriting niya at signature. Pero madaming tao ang ganitong magsulat. At sa signature naman, hindi ko maintindihan ang pangalan niya. Hayy, naku. Imposible nga ata na makita ko ang lalaking 'toh.
"Ma'am? May bisita po kayo sa baba."
Napalingon ako sa pinto nang kay biglang kumatok at magsalita.
"Opo! Bababa na po!"
Itinabi ko na ang bote at ipinasok ulit sa drawer. Sino kaya ang bisita ko? Ang aga-aga pa ah.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sa kanya kahit nasa dulo pa rin ako ng hagdan. Tumayo siya sa sofa at itinaas ang dalawa niyang kamay tsaka nag-bow.
"Good morning mahal kong prinsesa!"
Natawa na lang ako habang naiiling sa kanya. Bumaba na ako ng hagdan. Lumapit siya sakin at parang yayakap kaya umatras ako.
"Hep hep hep! What are you doing here?"
Nag-pout siya tsaka nagpamulsa. Mukha talaga siyang siopao kapag ginagawa niya yan. Ha-ha!
"Sinusundo ka. Nanliligaw nga ako diba?"
I rolled my eyes.
"Oo nga pala. Pero hello? Hindi ka naman excited? Ang aga-aga pa eh!"
Nagkamot na lang siya sa ulo.
"Hindi kasi ako nakatulog. Ikaw? Nakatulog ka ba?"
Kumunot ang noo ko.
"Oo naman."
Bigla namang nanlaki ang mga mata niya.
"K-kung nakatulog ka.. Hala! Sino yung kamukha mong takbo ng takbo sa isip ko?!"
Natawa na lang ako sa kanya sabay hampas.
"Aray ko naman! Ang sakit mong magmahal ah!"
"Ikaw kasi! Ang korny mo!"
Maya-maya ay sumeryoso na ang mukha niya.
"Oh ano? Alis na tayo?"
Tinignan ko siya.
"Hindi mo man lang ba ako pagbibihisin ha?"
Bigla naman siyang ngumiti. Ayos sa mood swings 'toh ah.
"Okay na yan!"
"Seryoso ka ba ha? Eh mukha naman akong ewan nito!"
Naka-pangtulog pa kaya ako!
"Mukha ka mang ewan sa paningin ng iba, para sa akin ikaw ang pinakamaganda."
Ano kayang itsura ko ngayon? Mansanas o kamatis?
BINABASA MO ANG
ILWMPA: The One
FanfictionDalawang taon na ang nakakaraan pero hindi niya pa rin alam kung ano ba ang salitang 'move on'. Paano ba? Paano ba mag-move on? Paano kung yung kaisa-isang taong bumuo at kumumpleto sayo ay wala na? Paano ka makakapag-move on kung sa buong buhay mo...