Ang love ay hindi parang exam na "Take your time" dahil baka nag-iisip ka pa lang, nakasagot na siya..sa iba nga lang.
----------------------------------------------------
Chapter 12
Matthew's POV
"So..bukas ha?"
Tanong ko sa kanya. Ang totoo mas excited pa ata ako at mas kinakabahan kaysa kay Gabriel. Bukas na ang birthday ni Sharmaine at bukas na rin ang surprise ko para sa kanya.
"Oo na! Paulit-ulit?"
Natawa na lang ako nang matawa din siya.
"Teka nga, bakit ba mas kinakabahan ka pa kay Gabriel ha? Eh isang text message nga lang ang na-received ko dun samantalang ikaw every minute."
Natatawa niyang sabi. Natawa ulit ako. Buti wala pang customer dito sa restaurant nila kundi mukha na kaming mga baliw dito.
"Sorry naman. This is my first time na gagawin ko 'toh for him. Ang dami kayang alam ng lalaking yun. Tapos kung kailan siya na ang may kailangan tsaka siya nawalan ng idea."
Nagtawanan ulit kami. Napatigil naman ako nang makita kong nanlaki ang mga mata niya.
"What? May dumi ba ko sa mukha?"
Tanong ko sa kanya pero bigla lang siyang tumalon.
"Oh my gosh! Pao! Na-miss kita!"
Dahan-dahan kong sinundan ang pinuntahan niya. Anak ng! Pag lingon ko ito talaga ang maabutan ko? Nakayakap sa leeg ni Paolo si Miracle habang siya ay parang gulat din at ugh! Yung isa niyang kamay nakahawak pa sa likod ni Miracle na parang niyayakap din siya. Tss.
"Grabe! Na-miss kita!"
Mabuti naman at humiwalay na si Miracle kay Paolo kundi ako mismo ang hihila sa kanya palayo sa panget na yan. Ito namang isa, ngiting-ngiti pa. Epal eh.
"Obvious nga na na-miss mo ko. Parang dalawang araw lang naman akong nawala."
Tss. Ngi-ngiti-ngiti pa siya. Kaasar.
"Ehem! Ehem!"
Napatingin naman sila nang mag-fake cough ako.
"Sige, Miracle. Una na ko at baka masermunan na naman ako ni Direk. Basta, bukas ha."
Nilakasan ko talaga yung pagkakasabi nung last na sentence para marinig ng panget na 'toh. Pero ang totoo, ang gusto kong sabihin ay 'Sige Miracle. Una na ko at baka masapak ko lang yang Paolo na yan.'
"Sure. Take care!"
Umalis na ko dun bago ko pa mapagkamalang punching bag yung Paolo na yun. Nakakainis!
---
Miracle's POV
"I can't really believe na dalawang araw ka lang pala mawawala. I thought it will be more than a week dahil ang sabi mo indefinite leave."
Sabi ko. Kasunod ko lang siya sa pagpasok sa may office. Na-excite talaga ako nang makita ko siya. Halos nawala na nga sa isip ko na kausap ko pala si Matthew.
"Eto naman. Na-miss mo ba talaga ako ha? Bakit parang gusto mo na ulit akong paalisin?"
Natatawa akong umupo sa swivel chair ko at ganun din siya.
"Baliw! Di naman sa ganun! Hindi ko lang in-expect na ganung kabilis. Like duh! It was about your father! By the way, kamusta na nga pala siya?"
BINABASA MO ANG
ILWMPA: The One
FanfictionDalawang taon na ang nakakaraan pero hindi niya pa rin alam kung ano ba ang salitang 'move on'. Paano ba? Paano ba mag-move on? Paano kung yung kaisa-isang taong bumuo at kumumpleto sayo ay wala na? Paano ka makakapag-move on kung sa buong buhay mo...