Two: The Return

217 8 3
                                    

May mga bagay na kahit ano pang gawin mo, hindi mo mapipigilang mangyari. Bakit? Naka-tadhana eh.

-------------------------------------------------------

Chapter 2

Matthew's POV

"Sir? Gusto niyo Sir ayusin ko?"

Umiling ako kay Anne.

"No need. Kaya ko na toh. Paki-discuss na lang yung mga kailangan kong gawin for today."

Sabi ko habang patuloy ko pa ring inaayos ang neck tie ko.

"Uhmm..Sir, ngayon po deretso tayo sa hotel para sa meeting niyo. After that, sa studio naman po tayo para sa new photoshoot niyo for your new teleserye. After that...wala na po."

"Are you sure?"

Takang tanong ko sa kanya. Parang hindi ata busy ngayon ah.

"Yap. Tinawagan ko na po yung secretary niyo sa hotel and aside from your meeting, wala na rin po kayong gagawin ngayon. Accroding naman sa assistant ni Direk, sa isang araw pa magsisimula ang shooting niyo."

"Good. May pupuntahan ako mamayang gabi."

"Talaga Sir? Saan po? Pwede ko po kayong samahan Sir."

"No need."

"Pero si-"

"No need. I want to be alone."

Gusto ko lang namang mag-unwind. This past few days, sobra na ata ang pagka-busy ko. Dumadating na kasi sa point na kung ano-ano na ang nakikita ko.

Anna's POV

"Sa lahat ng lugar na pwede mong pagdalhan sa kanya, duon pa talaga? Yung totoo?"

Nandito ako ngayon sa mall para sa 'bestfriends bonding' namin. Pero tutal wala pa yung isa, papagalitan ko muna itong si Lex. Baliw kasi! Bakit niya ba dinala sa concert si Sis? Hayy naku. Kung pwede lang kasi talagang sabihin eh.

"Sorry na nga. Ano bang masama sa ginawa ko? Dinala ko lang naman siya dun cause I'm thinking na magugustuhan na niya si Matthew pag nakita niyang mag-perform ng live yun. Malay ko bang magiging certified hater pa rin siya?"

Napahawak na lang ako sa sentido ko. Naku! Alexa Mercado isa kang sakit sa ulo! Well, nakilala ko siya nang pumunta ako sa Singapore dahil sa pagkamatay ng parents ko sa isang car accident. Tapos yun, naging bestfriend ko na rin siya. Yun nga lang, wala siyang alam sa lahat. Ang hirap tuloy mag-explain!

"Lex, ilang bes ko bang sasabihin sayo na wag mong ipilit sa kanya na gawin ding idol yang crush mo?"

Tss. Spoiled brat kasi! Kainis!

"Eh bakit ba? Gusto ko lang naman na may ka-kwentuhan ako tungkol sa prince ko. Tsaka bakit ba parang big deal na big deal sayo nun?"

Eh panong hindi magiging big deal?! Kung alam niya lang kasi eh!

"Basta. From now on, kailangan mo munang ipaalam sa akin ang lahat ng may kinalaman kay Sis, okay? Lahat ng pupuntahan niyo, kikitain niyo at gagawin niyo. Alam mo naman yung about sa condition niya diba?"

Nag-crossed arms lang siya.

"Tss. Bakit ba kasi ganyan kang ka-OA? Tsaka, para namang sinasabi mo na hindi siya safe sakin."

Aba! Nag-pout pa ang loka-loka!

"Baliw! Hindi naman sa ganun, kaya lang mas nauna ko siyang nakilala. Basta. Hindi ko pa kasi pwedeng sabihin sayo hangga't wala pang permission ni Tito. Balang araw, maiintindihan mo rin ako."

ILWMPA: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon