Eight: The Threat

178 8 2
                                    

Lahat ng tao may kinakatakutan. Nasa iyo na lang yun kung paano mo malalagpasan.

----------------------------------------------------

Chapter 8

Miracle's POV

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas."

Sagot ng isa kong staff.

"Naku Ma'am ha! Napapadalas ang pagbisita ng mga pogi sayo!"

Sabi ni Chef Ly. Siya lang ang kaisa-isa kong chef dito. Pero masayang kasama yan!

"Tumigil ka nga diyan Ly. Di ka makakalusot sa pagiging late mo noh!"

Pang-aasar ko sa kanya. Lumabas na muna ako para harapin si Matthew. Yun lang naman ang palaging pumupunta dito.

"Wala ka bang taiping?"

Salubong ko sa kanya kahit nakatalikod pa siya sakin.

"Alam kong mukha akong artista pero hindi ako nagte-taiping."

Nanlaki ang mata ko nang humarap siya sakin at nakita ko ang pagngisi niya.

"Waaaahhh! Pao na-miss kita!"

Tumakbo ako sa kanya sabay yakap. Buti na lang wala pang masyadong customer.

"Na-miss din kita Mira Patpat!"

Kumalas ako sa yakap niya tsaka ako nagpamewang.

"Hoy! Napakayabang mo talaga Pao Siopao!"

"Uy ano ka diyan! Di naman ako Siopao noh! Chubby lang ang cheeks ko pero may abs ako."

Tinakpan ko ang bibig ko ng parang na-shock. Ha-ha! Pang-asar lang!

"O talaga? Di ako na-inform!"

Nagtawanan lang kami. Maya-maya ay pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko tsaka yung marahang ginulo.

"Hindi ka pa rin nagababago."

Inalis ko yung kamay niya.

"Siyempre naman! Para namang ang tagal na nating di nagkikita. Ha-ha!"

Ngumiti lang siya.

"Na-miss kita."

Napatigil ako tsaka napangiti rin.

"Ikaw din. Miss din kita. Teka nga, bakit ka nga ba nandito?"

Ngumanga siya ng para bang gulat na gulat.

"Ako? Ako? Anong ginagawa ko dito?"

I raised my left eyebrow tsaka ko tinuro ang sarili ko.

"Ay hindi. Ako siguro noh? Oo! Ikaw!"

"Unbelievable! Hello? Nakalimutan mo na ba? You send me an invitation to work here in your restaurant!"

Ahh..oo nga pala. Bago ko pa toh simulan, inalok ko na siya. Chef din si Paolo at sa culinary school kami nagkakilala. Plano ko sana na siya ang gawing in-charge dito sa restaurant dahil alam kong not all the time ay nandito ako.

"Hmm..oo. Nakalimutan ko na. Hindi mo kaya sinagot! Paasa ka!"

"Hey! I'm just busy! Sobra kaya akong na-excite nun! So..is the position already taken?"

Tinignan ko siya tsaka ako nag-smirk.

"Wag kang mag-alala. Ang position na yun ay parang ikaw. Never taken."

ILWMPA: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon