Author's Note

164 5 1
                                    

Last author's note na. Iyak tayo! Huhu!

Ayan. Haha! Ay, baliw.

Readers,

Alam ko na hindi gaanong maganda ang kinalabasan ng Book 2 and I'm so sorry for that. Siguro hindi ko lang talaga 'toh napagtuunan ng pansin dahil nung ginagawa ko ito ay patapos na yung isa ko pang story na Ms. Disaster and Mr. Troublemaker kaya doon napunta lahat ng atensyon ko. Tapos sinabayan ko pa ng bagong story na Saving The Hugot Queen. Haha! Tamang plug lang eh. Para-paraan! Haha! Back to the topic, isa na rin siguro sa mga dahilan ay yung medyo nawalan ako ng gana at inspiration. Pero kahit na ganon, tinuloy ko pa rin at eto na nga siya. Tapos na siya! Sabi ko kasi sa sarili ko, kahit anong mangyare, kahit wala na yung mga dating nagco-comment, kahit wala ng nagvo-vote, kahit wala ng nagbabasa, itutuloy ko 'toh. Bibigyan ko ng happy ending ang unang character na nalikha ko sa Watty World. Sana masaya na ngayon sina Miracle at Matthew. Hindi rito matatapos ang story nila pero rito na matatapos ang pagsubaybay natin don. Maraming-maraming salamat sa mga readers na naging part ng love story nila, from Book 1 to Book 2. Sa mga readers na hindi bumitiw kahit medyo nagiging boring na. Mahal na mahal ko na kayo! Haha!

So..hanggang dito na lang talaga. Maraming-maraming salamat sa lahat! Ito ang first story ko at dito ako natuto. Kung gagawa pa ako ng ibang story, gagamitin ko lahat ng lessons na nakuha ko mula rito. I won't delete this story dahil ito ang patunay kung saan ako nagsimula at kung saan ako natuto.

I love you guys! Je't aime!

This book is officially close.

To God be all the Glory!

ILWMPA: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon