Twenty-Two: The Fan's Day

171 3 0
                                    

Behind all our achievements are those people who help us to get those. Learn to look back.

----------------------------------------------------------

Chapter 22

Matthew's POV

"Sir! Make-up na po!"

"Eto na yung mga list ng kakantahin mo, Matthew."

"Ay! Sir oh! Gusto niyong silipin ang games natin for today? Naku! For sure fun fun 'toh!"

"Akala ko po Sir mawawalan na kami ng trabaho. Buti kayo ang pinanigan ng korte at ng taong bayan."

Napapailing na lang ako habang natatawa sa pinagsasasabi ng Team Matthew. Sila yung mga make-up artists, staffs, at kung ano-ano pa na nagtatrabaho sakin.

"Relax, guys. Kalma ha? Nandito tayong lahat para magsaya. May mga tao na ba sa labas?"

Tanong ko sa kanila.

"Yes, Sir! Complete attendance ang buong Matthew Lovers!"

Napangiti na lang ako. It's payback time. Matthew Lovers is the only fans club na nanatiling solid supporter ko. Kaya ito ako ngayon, may fan's day kami to be held in a private resort. Maliit lang siya. Dating resthouse namin noon.

"Oh, phone mo. Tawagan ang dapat tawagan."

Natatawang sabi ni Gabriel sabay abot ng phone ko.

"Hayy salamat!"

Pano kasi, cinonfiscate niya 'toh kanina. Magpa-miss naman daw ako ng konti kay Miracle. Ayoko nga! Imbes na siya ang nakaka-miss sakin, ako ang nakaka-miss sa kanya.

At dahil miss na miss ko na nga siya ay dinial ko na ang number niya.

|Yes?|

"Miss me?"

|Di masyado.|

Napa-frown naman ako sa sinabi niya. Mamatay-matay na ko dito para lang makita siya tapos di pala niya ako nami-miss.

|Oh? Di ka na sumagot? Duh! How will you expect me to miss you kung kahit saan ako tumingin nandun ang mukha mo? Sa TV mukha mo laging naka-flash, ikaw ang laman ng lahat ng entertainment section ng mga diyaryo, at ang mga billboards! Puro mukha mo ang nakalagay! Bakit di sila nagsasawa sayo?|

Natawa na lang ako sa kanya.

"Eh kasi, pogi ako."

|Whoo! Grabe! Pahinaan nga yung air-con. Ang lakas ng hangin, nilalamig ako.|

Natawa ulit ako sa sinabi niya kaya napapatingin na sakin yung ibang staffs. Di ko na sila pinansin.

"So? On the way ka na?"

Sinabihan ko kasi siya na pumunta dito. After nito, balak ko siyang i-date.

|On the way? Papunta saan? Nandito ako sa kwarto ko.|

Bumagsak naman ang balikat ko sa sinabi niya.

"Seryoso?"

|Oo nga! Kulit! *Hoy Sissy! Don't make loko-loko na nga si Matthew baby! Don't worry Papa Matthew kasi we're on the way na.- hoy Lex! Akala ko ba wala ka ng gusto kay Matthew? Balak mo pa atang agawan si Miracle - Akin na nga yan!*|

Napakunot ang noo ko. Ang daming boses ng babae tapos may biglang nagsalita na lalaki.

"Hello? Miracle are you okay there?"

ILWMPA: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon