May mga taong binabaliktad ang katotohanan sa pag-aakalang iyon ang ikabubuti natin. Pero tandaan, ang pagsisinungaling ay pagsisinungaling. White lie man yan o kung ano pa ang kulay niyan, lie is a lie.
-----------------------------------------------------
Chapter 3
Anna's POV
"Ayoko na talaga. Ang tagal niya ha. In fairness. Lagi namang on time yun ha?"
Napaka-mainipin talaga nitong si Lex. Pero nasaan na nga kaya yun? Kanina pa kami naghihintay dito ah.
"Oh. Eh ayun na pala eh."
Turo ko sa labas ng restaurant. Lumingon naman si Lex. Naka-talikod kasi siya sa glass wall.
"Sorry ha. Medyo traffic eh."
Sabi ni Miracle tsaka niya inilagay ang shoulder bag niya sa upuan sa tabi ni Lex.
"Sus. Hindi yan excuse noh. Ang point is, late ka. At ang nakakabigla, hindi ka naman nale-late."
Sabi ni Lex habang naka-cross arms pa. Bale nasa apatan kaming mesa. Pareho silang nakatalikod sa glass wall at ako naman nasa tapat ng upuan ni Miracle kaya nakikita ko ang nasa labas.
"Sorry na nga. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako male-late pero salamat sa Ma...Ano ulit pangalan nun? Ay hayaan mo na nga! Basta. Nakakainis yang idol mo na yan. Hampasin daw ba yung sasakyan ko? Kaasar."
Sabi niya sabay higop sa juice na kanina pa naghihintay sa kanya.
"Ha? You mean si Papa Matthew ko? Nandito siya? Where?"
Bigla akong nasamid nang marinig ko ang sinabi ni Lex. Agad naman nila akong inabutan ng juice.
"Are you okay?"
Tanong sakin ni Miracle. Tumango lang ako.
"Teka, teka, nakausap mo siya?"
Napatakip ako sa bibig ko. Ghad! Anna naman! Bahagyang kumunot ang noo ni Miracle.
"Kung ang sinasabi mo eh yung panget na artista na yun. Oo."
Nakahinga ako ng maluwag. Di ko rin alam kung bakit.
"Hoy! Late ka na nga tapos nilalait mo pa ang crush ko!"
Hayy. Tignan niyo. Bangayan na naman toh.
"Lex, panget siya. Period."
"Hindi nga! Ang pogi niya kaya!"
"Nope. Hindi nga yun mukhang artista eh. Tsaka artista ba talaga yun? Eh bakit nandito siya sa mall?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Miracle. N-nandito siya?!
"Really?! He's here? OMG! Where?"
Lumingon-lingon pa si Lex. Agad akong tumayo at hinawakan ang kamay ni Miracle.
"Uhmm..alis na tayo? Parang hindi na ko comfortable eh."
Sabi ko sa kanila.
"Ha? Pero kakadating ko pa lang?"
Hala. Pano ba toh. Aish!
"Sabagay. Sige, CR lang ako."
Pagpapaalam ko sa kanila.
"Ayun. Kaya hindi ka na comfortable kasi tinatawag ka na ng kalikasan. Go!"
Pang-aasar sakin ni Lex. Nagtawanan lang sila tsaka ako nag-make face kay Lex. Dumiretso na ko sa CR ng restaurant. Pumasok ako sa isang cubicle tsaka ko nilabas ang phone ko at nag-dial ng number.
BINABASA MO ANG
ILWMPA: The One
FanfictionDalawang taon na ang nakakaraan pero hindi niya pa rin alam kung ano ba ang salitang 'move on'. Paano ba? Paano ba mag-move on? Paano kung yung kaisa-isang taong bumuo at kumumpleto sayo ay wala na? Paano ka makakapag-move on kung sa buong buhay mo...