Seeing a boy cry doesn't mean his weak. He's even strong enough to accept the fact that he's not a robot who can endure all the pain.
-----------------------------------------------------
Chapter 19
Matthew's POV
I knew it! Grabe talaga yan. Feeling super galing eh hindi naman.
Hindi dapat siya ang teen king! Pwede namang si Gabriel na lang o si Joshua o kahit na sino basta wag lang siya! He's not a good influence.
Grabe. In such a young age nagawa na niya yun. Hindi siya magandang impluwensiya sa mga kabataan.
Sa wakas at lumabas na rin ang tunay niyang kulay. Plastik!
Si Joshua talaga dapat ang Teen King! He's not worth of the title!
Sobra naman kayong mag-judge! Hindi natin alam ang buong storya kaya magsitahimik kayo! #MatthewForever.
Boo! Nagmamagaling eh hindi naman magaling! Buti nga yan sa kanya!
Dahan-dahan kong isinara ang laptop ko. H-How can they say that? Tanda ko pa ang mga pangalan ng ilang comments na nabasa ko. They used to flatter me with their comments before pero ngayon? Hindi na. Sila pa ang naninira. Sila pa ang nangba-bash. Kakaunti na lang ang umiidolo at nagtatanggol sakin. And I noticed that almost all of them are from my fans club Matthew Lovers. I'll thank them kapag nalampasan ko na 'toh.
Humiga ako sa kama. My career is falling apart. Pati hotel namin nadadamay na. Pero ang pinakamasakit sa lahat..ang mga taong nasaksihan ang pagsikat ko, ang mga taong sumoporta sakin mula simula, sa simpleng tsismis lang, iiwan na ako basta-basta.
Bakit ganun silang kabilis manghusga? Bakit ganun nila ako kabilis bitawan? Ginawa ko naman lahat ah. I did my best in all the things I do. Pero wala. Wala lang sa kanila ang lahat.
Parang di ko na kaya. Ayoko na eh. Tama na.
Natawa na lang ako ng mapait nang makita ang pagbuhos ng ulan mula sa labas.
Bakit palagi nalang nakikisabay sakin ang panahon?
Pero salamat. Salamat sa pagdating, ulan.
---
Miracle's POV
I rolled at the other side of the bed. I can't sleep.
Umupo na lang ako tsaka tinakpan ang mukha ko gamit ang mga palad ko. I want to sleep but I can't.
Napalingon ako sa bintana and I saw that it was raining outside. I smiled bitterly.
Ilang araw ko na bang hindi nakakausap o nakikita man lang si Matthew? Dapat magalit ako sa kanya dahil hindi man lang siya nagpaparamdam pero alam ko kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon.
I read all of the comments and it's really bad. Yung tipong parang ni minsan ay hindi man lang sila napasaya ni Matthew.
I jumped out of the bed. I changed my pajamas into a shirt and pants. I slowly opened my door. Wala ng nakabukas na ilaw and it seemed that they are all sleeping now. Dahan-dahan akong naglakad sa pasilyo pero bago ako tuluyang bumaba ng hagdan ay nilingon ko muna ang pintuan ng office ni Tatay. Bukas pa ang ilaw dun. Mukhang nagtatrabaho pa siya.
"I'm sorry, Tay. Ngayon lang kita susuwayin, promise."
Bumaba na ako ng hagdan at tahimik na lumabas ng pintuan. Oh-kay. How can I drive my car out without any noise?
BINABASA MO ANG
ILWMPA: The One
FanfictionDalawang taon na ang nakakaraan pero hindi niya pa rin alam kung ano ba ang salitang 'move on'. Paano ba? Paano ba mag-move on? Paano kung yung kaisa-isang taong bumuo at kumumpleto sayo ay wala na? Paano ka makakapag-move on kung sa buong buhay mo...