Eleven: The Plan

157 7 0
                                    

Ang tsismis parang hinaharap niya, hindi mo alam kung peke o tunay pala.

--------------------------------------------------------

Chapter 11

Matthew's POV

"Goodevening Sir. Do you have any reservation?"

"I will meet Miracle Selvana. Can you call her?"

"Sir..ano po kasi.."

Napakamot pa siya sa ulo niya. Anong problema nito? Kakausapin ko lang naman si Miracle ha?

"Why? Wala ba siya?"

"A-Andiyan po kaya lang.."

Nakakasar naman 'toh oh. Ilang araw kong hindi nakita ang babaeng yun kaya nami-miss ko na siya. Minamadali na kasi ang taiping para sa ending ng isa ko pang teleserye. Sobrang busy tuloy. Hindi ko nga alam kung malulungkot ba ako o matutuwa na yung isa ko pang teleserye na naka-line up sakin ay na-cancel muna.

"Please. I need to talk to her."

Umarte ako na sobrang seryoso. Naka-shades ako habang naka-mask.

"Sir nasa office po kasi niya. Bilin po ni Chef Paolo wag silang aabalahin."

Anak ng! Anong ginagawa nila dun?! As in silang dalawa lang?! Anong gagawin ko?!

"Hey! Anong ginagawa mo dito?"

Napangiti naman ako nang makita kong papalapit na sa amin si Miracle. Kaya lang yung ngiti ko bumaluktot nung nakita ko yung panget na nasa likod niya. Epal!

"Anong ginagawa mo dito?"

Tinignan ko lang siya.

"Nothing. I just need to talk to Miracle."

"Nothing pala eh. Kaya kung pwede-"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay tinignan na siya ng masama ni Miracle. Yes! That's my girl.

"Fine. Tatahimik na."

Sakin naman tumingin si Miracle.

"What are you doing here?"

"Well, may kailangan lang akong sabihin sayo on behalf of my cousin Gabri-"

Natigilan ako sa pagsasalita nang takpan niya ang bibig ko tsaka ngumiti habang nanlalaki yung mata niya. Natatawa na lang ako sa itsura niya kasi parang may gusto siyang sabihin.

"Ano ulit yun? Hindi ko narinig eh. Siguro sa office tayo para may privacy noh?"

"Ahh."

Sabi ko ng alisin na niya ang pagkakatakip sa bibig ko. Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ako hinila pataas at nilagpasan lang namin yung Paolo na yun.

"Aray! Bakit?!"

Ang brutal naman nito! Pagpasok na pagpasok namin sa office batok agad ang binigay sakin.

"Baliw ka kasi! Muntik mo ng masabi yung name ni Gabriel! Like hello? Artista siya, artista ka! May mga staff pa man din dun at customers malapit sa area."

Napahawak ako sa batok ko.

"Sorry na. Pag kasi nakikita kita daig ko pa ang nagkaka-amnesia."

"What?"

Sabi niya sabay upo sa swivel chair niya. Dun naman ako umupo sa tapat ng lamesa niya. Hinubad ko na yung shades pati na rin yung face mask para makahinga na ako. Bigla ko namang naalala yung sinabi ng receptionist kanina.

ILWMPA: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon