Chapter One

246K 4.1K 507
                                    

Disclaimer:

A specific mental disorder has been used and is not intended as a complete reference for the said disorder in the story. If so, the reader may consult a specialist in matters relating to any mental health issue and particularly with respect to any symptoms that may require diagnosis or medical attention.

This book is a work of fiction.

***

CHAPTER ONE

Monte Amor, Cebu.

SARIWANG simoy ng hangin ang yumakap kay Frances pagkalabas niya ng safe house na tinutuluyan nila pansamantala. Ngunit hindi niya ramdam na tila nasa panganib ang buhay niya dahil sa napakagandang tanawin na natatanaw niya.

Napakataas ng sikat ng araw ngunit hindi ganoon kainit dahil sa dalang hangin ng mga alon sa dagat. Para lang siyang nasa isang tahimik na bakasyon.

Naglakad siya palapit sa dalampasigan at hinayaan niyang paglaruan ng ihip ng hangin ang mahaba at tuwid niyang buhok. Tinupi niya ng maayos at pantay ang dalang berdeng balabal at inilapag iyon sa buhanginan. Inupuan niya iyon at nagtuloy lang ang pagtitig niya sa napakalayong parte ng dagat.

Kahit papaano ay kumalma ang buong kalamnan niya. Kahit papaano ay nakalimutan niya ang bangungot niya kanina. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kapayapaan sa tunog ng mga malalakas na along nag-uumalpas.

Pinikit niya ang mga mata. She filled her lungs with fresh air. She filled her mind with happy thoughts.

"Mama! Mama!"

Napangiti siya nang marinig ang tinig ng anim na taong gulang na anak na si Cyla. Nanatili siyang nakapikit at hinintay ang anak na makalapit.

"Mama!" Cyla called with glee while embracing her neck.

Dumilat na siya at hinawakan sa braso ang anak.

"Good morning, baby." Hinila niya ito pakandong at hinalikan sa pisngi. "How was your sleep?"

Hinilig nito ang ulo sa dibdib niya. "'Twas good, Mama! I dreamed of Papa and Mommy Eunice. I miss them!"

Niyakap niya ito sa baywang. "Don't worry, baby. After three months, you will be able to go home to your Papa and Mommy."

Ang totoong ama ni Cyla ay ang dati niyang kasintahan na si Terrence Aranzamendez. Boyfriend niya si Terrence noong college sila.

Nagkahiwalay lang sila nito nung kinailangan niyang umalis kasama ang pamilya niya dahil nalugi ang negosyo nila sa Pilipinas ng mga panahong iyon.

They were "exiled" to Australia. Pinagbawalan siyang magkaroon ng contact sa kahit sino sa Pilipinas. Kaya hindi niya na nasabi pa kay Terrence noon na buntis siya kay Cyla.

Until months ago, she reached out to Terrence para mailayo si Cyla sa panganib na hindi niya sinasadyang mapasukan dahil sa dating fiance na si Brandon Thompson.

Sumikip ang dibdib ni Frances nang maalala na naman ang dating fiance na minahal niya. Tumagal din sila ng dalawang taon nito at pinakita sa kanya ni Brandon ang pagmamahal na hinahanap niya hanggang sa natuklasan niyang nagtatago lang pala ito sa likod ng isang maskara.

Her ex-fiancé was a big time smuggler, drug lord, and murderer. Hindi niya alam iyon sa umpisa hanggang sa siya na mismo ang nakatuklas niyon ng minsang hindi sinasadyang makita niya ang mga folders kung saan nakatala ang mga "special projects" nito.

She thought that Brandon was just a half-Filipino, half-Aussie businessman. Oh, sure he is a "businessman" with a lot of monkey businesses.

Hinarap niya ito at inamin naman nito lahat. Makikipaghiwalay na sana siya kahit mahal niya ang lalaki. But Brandon didn't let her. Nagwala ito.

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon