CHAPTER NINETEEN
PAGKATAPOS pumasok sa trabaho ay sinundo ni Frances si Cyla galing sa school nito. Imbes na umuwi sa bahay ay napunta silang mag-ina sa bahay ni Matthew. May susi siya ng bahay kaya naman malaya siyang nakapasok. Nakipaglaro at sabay silang kumain ng dinner ni Cyla, bago sila natulog na mag-ina.
Naalimpungatan si Frances dahil sa narinig niyang pagbukas-sara ng pinto sa kabilang kuwarto. Napabalikwas siya ng bangon at napatingin kay Cyla na mahimbing ang pagkakatulog sa tabi niya.
Nakarinig ulit siya ng pagbukas-sara ng pinto. Kumabog ng malakas ang puso niya. Mabilis siyang tumayo at lumabas ng kuwarto.
Napahinto si Frances nang makita ang nakatalikod na pigura ng taong laging laman ng isip niya, at ang may dahilan kung bakit may triplets siyang dinadala ngayon!
"Matthew," mahinang sambit niya na nagpalingon dito.
Bahagya itong ngumiti.
At saka lang niya napansin ang maliit na bandage nito sa may kanang noo. Mas malago na rin ang bigote at balbas nito. Mas lumaki pa ang katawan. Mas na-emphasized ang kulay moreno nitong balat. Lahat iyon ay agad niyang napansin. Lahat ng nagbago rito, agad niyang nahalata sa isang tingin lang dito.
"Frances," he said huskily.
Nilapitan niya ito.
Kung last month pa ito umuwi ay sinugod niya na ito ng yakap. Ang kaso, mas mabilis ang expiration ng pasensya ng mga buntis.
Malakas na dumapo ang palad niya sa kaliwang pisngi nito.
Nalaglag ang panga nito sa ginawa niya. Matthew looked at her with awe. Siya naman ay tiningnan ito nang matalim.
"Umuwi ka pa," mahina ngunit mariing wika niya. Nilagpasan niya ito at pabalik na sana sa kuwarto kanina nang hinablot nito ang braso niya.
"Mag-usap tayo, Frances."
"Don't fuss about it, Matthew. Naiintindihan ko naman. Trabaho mo iyon, eh. Sino ba 'ko para umangal, eh, ako naman ang pumayag sa ganitong set up?" Binawi niya ang braso rito.
Napabuntong-hininga ito. "Frances, I—"
Nasampal niya ulit ito.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Tatlong sampal. Sakto. Tig-isang sampal para sa mga baby niya.
"Huwag ka nang magpaliwanag, utang na loob! Kasi alam ko namang reasonable lahat ng excuses mo. Kasi alam ko namang hindi ka lang basta mawawala ng may hindi ka ginawang kabayanihan, Matthew. I get it, okay? Dinaig mo pa sina Spiderman, Batman, Iron Man, at Superman, Matthew! You're everybody's hero!" aniya sa mataas na boses.
Napakunot-noo ito at napatingin sa loob ng kuwarto. "Magigising si Cyla. Huwag kang maingay. Mag-usap tayo sa kuwarto ko. Huwag dito."
Pilit siya niyong hinila habang nagpupumiglas siya. Pero naipasok pa rin siya nito sa loob ng kuwarto nito.
"Bitiwan mo nga ako!"
"Frances, kumalma ka nga. Ngayon na lang nga tayo nagkita, galit ka pa."
"Hindi ako galit!"
"Ah, nasa normal state ka pa sa lagay na iyan?" sarkastikong sabi nito.
Tinulak niya ito sa dibdib dahil sobrang lapit nito sa kanya. "Umalis ka na! Bumalik ka na sa trabaho mo! Kaya ko nang mag-isa. Kaya ko nang mag-isa 'to!"
![](https://img.wattpad.com/cover/34095128-288-k261645.jpg)
BINABASA MO ANG
Indomitable Matthew (TTMT #2)
RomanceMatthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang mapansin. Frances Anne Lorzano, a young single-mom whose under Matthew's protection against her cri...