CHAPTER THIRTY
"CEDRICK Sebastian, Claude Matteo, and Cereese Sweetzel. Huwag kang magkakamali sa spelling kapag nag-fill up ka ng birth certificate nila, ah?" mahigpit na bilin ni Frances kay Matthew bago siya ipasok sa delivery room.
Natawa ito. "Yes, commander."
Tiningala niya ito. "May hindi ka ba gusto sa mga pangalan?"
Niyuko siya nito at pinatama ang tungki ng ilong nito sa kanya.
"Wala naman akong angal. Kung iyon ang gusto mo, iyon din ang gusto ko."
Kumuha ito ng papel at nagsimulang magsulat.
"What are you doing?"
Inangat nito ang papel na sinulatan. "Ganito ba spelling ng pangalan ng triplets?"
Kinusot niya ang mga mata at binasa ang sinulat nito. She chuckled. "Yung Cedrick may, 'K' sa dulo. Yung 'Claude', dapat 'a', hindi 'o'. Cloud naman iyon, eh!"
Napakamot ito sa baba at natawa ng bahagya. "Maganda rin ang 'cloud'. Cloud na lang."
Lumabi siya. "Ayoko nga."
"Grass?"
"No."
"Cave?"
Nagsalubong ang mga kilay niya.
What the? Ano ba naman 'tong mga ideas ni Matthew! Kung kailan last minute! Buti na lang at siya ang nag-isip lahat ng pangalan.
Nakita niyang ngumisi si Matthew. "Brooke?"
"Brooke? Batis? Bakit mo naman gustong pangalanan iyong anak natin ng damo, kuweba, saka batis—" bigla siyang napahinto nang mapagtanto ang mga sinabi ni Matthew.
Nanlaki ang mga mata niya at doon na natawa ng malakas si Matthew.
"Ang slow talaga. Consistent ka, Frances."
Kinuha niya ang unan at hinampas sa mukha nito. Nang-aasar pa rin ang mga tawa nito.
"Ano? Ayaw mo iyon, may isa sa anak natin ang may pangalan ng mga lugar na—"
"Stop it!" Namula ang magkabila niyang pisngi. Minsan talaga ay pilyo rin ang isang 'to. "Seriously, Matt, kapag pumirma ka ng birth certificate, huwag mong subukang palitan ang pangalan ng mga anak ko!"
"Pag-iisipan ko," seryosong sabi nito ngunit ang mga mata ay punung-puno ng kapilyuhan.
Sinimangutan niya ito at ginulo lang nito ang buhok niya.
"Matt... kapag tinopak ka ng kapilyuhan mo, 'yung "Brooke" na lang ang gamitin mo."
"Bakit 'yung batis?"
Nagkibit-balikat siya. "Doon ako pinakanag-enjoy."
Napanganga si Matthew and it's her turn now to laugh loudly.
Those kind of little sweet and teasing moments with Matthew made their relationship more fun.
Caesarean ang procedure ng labor ni Frances kaya naman mapayapa siyang nasa loob ng delivery room ngayon kasama si Matthew.
Ang doktor at mga nurse ay naghanda na sa mga gagamitin. Kalmadong-kalmado si Matthew habang si Frances ay kung anu-ano na naman ang iniisip.
"Paano kung mamali sila ng hiwa tapos hindi na nila matahi pabalik iyong tiyan ko?"
"Matthew, iyong spelling ng pangalan ng mga anak natin, ha? Oh, please, tamain mo! Mahal magpaayos ng spelling ng pangalan sa birth certificate!"
"Ipasuot mo yung blue mittens kay Cedrick, yung green mittens kay Claude, tapos yung violet kay Cereese. Para pagkagising ko bukas, kilala ko sila."
![](https://img.wattpad.com/cover/34095128-288-k261645.jpg)
BINABASA MO ANG
Indomitable Matthew (TTMT #2)
RomanceMatthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang mapansin. Frances Anne Lorzano, a young single-mom whose under Matthew's protection against her cri...