Chapter Fifteen

82.7K 2.1K 57
                                    

CHAPTER FIFTEEN

UMALINGAWNGAW sa buong katahimikan ng batis ang tawanan ni Frances at ni Cyla. Naglalaro sila ng anak sa malinis na batis kung saan sila dinala ni Matthew.

"Baby, be careful!" nagawa niya pang ibilin dito habang tumatakbo ito palayo sa kanya. Bigla siyang natakot dahil sobrang bato nga ng batis at kung madulas ito ay baka tumama ang ulo nito sa bato.

"Catch me, Mama! Catch me!" tuwang-tuwang sabi nito saka nagpatuloy sa mabilis na pagtakbo sa mababaw na parte ng batis.

Napatili si Cyla nang bigla itong buhatin ni Matthew bago pa ito makarating sa puro batong parte ng batis. "Huli ka!" nakangiting sabi nito.

"Tito Matt!" Nagpatuloy sa pagtawa si Cyla at yumakap sa leeg nito. "Run! Mama's going to catch us."

Napatingin sa kanya si Matthew. "Naghahabol ka pala sa lagay na iyan?" tukso nito nang makitang imbes na tumatakbo ay maingat lang siyang naglalakad.

"Mabato kasi, eh. Baka magkamali ako ng tapak, tumumba ako. Ang babaw pa naman ng tubig dito," rason niya sabay irap dito. "Paano kung madapa ako tapos mabagok ang ulo ko? Tapos hindi ako masugod agad sa ospital? Mawawalan ako ng maraming dugo. Mamamatay ako. Malulungkot ka. Baka magpakamatay ka sa sobrang kalungkutan."

Ang lutong ng lalaking tawa ni Matthew na umalingawngaw din sa katahimikan ng gubat. "Praning ka talaga, ano?"

She pouted her lips. "Totoo naman, eh." Anong magagawa niya, eh, ganoon tumakbo ang isip niya?

Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad palapit sa mga ito.

"Bakit hindi natin baliktarin? We'll catch you, instead."

"Yes! Yes! Let's catch Mama, Tito Matt!" sang-ayon ni Cyla at pumalakpak pa.

Nanlaki ang mga mata ni Frances nang makitang tumakbo si Matthew papunta sa kanya. "Matthew!" tili niya at saka mabilis na pumihit patalikod at wala sa oras na napatakbo.

She heard Cyla and Matthew laughing. "Kapag nahabol ka namin, may parusa!"

Tumakbo siya nang mabilis at bahala na ang mga bato. Hanggang sa mapunta siya sa malalim na parte ng batis na hanggang baywang na. Naging mabagal ang pagtakbo niya at natatawa na lang din siya dahil kaunti na lang ang distansiya nina Matthew sa kanya.

Napatili siya nang hapitin siya ng isang braso ni Matthew sa baywang. Buhat pa rin nito si Cyla sa kabilang braso. Pagkuwa'y lumublob sila sa tubig at pag-ahon nila ay nagkatawanan na lang.

"We caught you, Mama! What's our punishment, Tito Matt?" tanong pa ni Cyla habang nakakapit pa rin sa leeg ng binata.

Lumayo ng bahagya sa kanya si Matthew at napangisi. Bumaling ito kay Cyla at may binulong sa anak niya.

Humagikgik si Cyla at saka ito binitiwan ni Matthew. Mabilis na inabot niya ang anak at napayakap ito sa leeg niya.

"Our punishment is..." anito bago siya pinugpog ng halik ng anak sa buong mukha niya.

Ah! Ang ganda naman ng punishment niya!

Natawa siya at hinayaan si Cyla. Niyakap niya ito at saka pinanggigilan din ng halik sa pisngi.

"Si Cyla lang ba ang magpaparusa sa'kin?" parinig niya kay Matthew.

Nakita niya nang ngumisi si Matthew ngunit kinagat pa nito ang ibabang labi upang mapigilan iyon.

"Iba ang parusa ko," sabi nito sa makahulugang tono.

Nag-iwas siya ng tingin dito at tinago ang mga ngiti. Siya lang yata ang paparusahan na excited.

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon