CHAPTER EIGHT
PAGPASOK ni Frances ng clinic ay agad siyang namukhaan ng sekretarya ng doktor. Agad siyang pinapasok sa opisina ng psychiatrist. Walang pila.
Mukhang siya lang naman ang pasyente ng doktor. Siya lang yata ang hindi matino sa buong Monte Amor. Sabagay, hindi naman talaga siya taga-roon.
"Good afternoon, Doktora..." bati niya nang makitang babae pala ang psychiatrist at mukhang bata pa. Mas mabuti. Hindi siya maiilang na sabihin ang mga nasa isip.
"Hello, good afternoon," nakangiting bati nito pabalik sabay hawak sa malaki nitong tiyan. Buntis pala ito. "I'm Dr. Ditangco," pagpapakilala nito. "'Erica na lang para mas komportable ka." Tiningnan nito ang folder at papel na sinagutan niya noong isang araw pa.
"Take a seat, Ms. Lorzano. Nakakapag-session ka na pala noon. So, you know how this thing works?" tanong nito at saka umupo sa swivel chair nito.
"Yes, Doc."
"Alright. So, breathe in, breathe out. Make sure you're comfortable with your seat and tell me whenever you are ready."
Hindi niya na kailangan pang mag-relax dahil kailangan niya na talagang masabi agad sa doktora ang mga naiisip at nararamdaman para malaman niya agad ang sagot sa mga ikinikilos niya.
Kaya naman ikinuwento niya rito ang tungkol sa trauma niya kay Brandon at sa mga ikinikilos niya these past few days. But she skipped the part when she was always imagining Matthew and her in a very inappropriate scene.
Tumangu-tango si Erica pagkatapos niyang magkuwento. "You already have the signs of OCD, Frances," malumanay na sabi nito. "Clearly, hindi na lang iyan dala ng personality disorder mo. Dagdag pang may mga anxieties ka because of what you've been through with your ex-fiance."
Yumuko siya at napatangu-tango.
"But the fact that you are aware means may knowledge ka about Obsessive-Compulsive disorder?"
"Just a little bit."
"Alright, Obsessive-Compulsive disorder are recurrent obsessions or compulsions that are severe enough to be time consuming or cause marked distress or significant impairment. Katulad na lang nang sinasabi mong pagtutupi ng damit mo na inaabot ka ng buong araw bago matapos. Hindi mo na naasikaso minsan ang sarili mo o ang anak mo."
"Yes."
"Pero hindi naman siya madalas at kung kailan lang may naiisip kang gusto mong hindi maisip?" Tumangu-tango ulit ito at may sinulat sa papel. "Iyan ang ginagawa mong compulsion. All right..."
Tumingin ito sa kanya. "I'll explain it to you further para mas aware ka. Sa OCD, meron tayong 'obsessions' and 'compulsions', obviously. Let's start with obsessions. Iyong obsessions, iyan lang iyong mga persistent ideas, thoughts, or images na inappropriate at nakaka-stress kapag iniisip dahil disturbing. Bigla-bigla na lang pumapasok minsan. In short, kapraningan."
Bahagya siyang natawa. "Really, doc?"
"Uh-huh. Pero hindi natin masisi ang may OCD kung bakit sila ganoon mag-isip. So, may mga common obsessions tayo. Like, repeated thought about contamination—iniisip lagi na lahat na lang ng bagay na mahawakan o matapakan ay madumi kahit makikipag-handshake lang. Meron pang repeated doubts like isip ka nang isip kung napatay mo ba talaga ang kalan o hindi, kung na-lock mo ba ang pinto o hindi. You also have the need to have things in order. May mga aggressive or shocking impulses kang naiisip like manakit ng tao. At kasama rin sa common obssessions ay ang sexual imagery."
Bigla siyang napatuwid nang upo. "P-Pardon me?"
Napansin yata nito ang pagka-tense niya. "Sexual imagery... nakakaisip ka ng mga pornograhic images over and over kahit hindi mo gustong isipin..." Napakunot ito ng noo. "May ganoon ka rin bang obssession?"
BINABASA MO ANG
Indomitable Matthew (TTMT #2)
RomanceMatthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang mapansin. Frances Anne Lorzano, a young single-mom whose under Matthew's protection against her cri...