Chapter Twenty-Four

89.2K 2.3K 185
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

LUMIPAS ang mga araw at unti-unting naumpisahan na ni Matthew ang mga nakasulat sa papel nito.

Dahan-dahang bumaba si Frances ng hagdanan habang nakakapit sa balustre ang isang kamay. Habang ang isang kamay niya pa ay nasa balakang niya. Sobrang bigat na talaga nang dinadala niya. Hindi niya nga alam kung paano pa siya nakakakilos.

Isang hakbang ay nagtatagal yata siya ng kalahating minuto dahil sa pag-iingat. Pagbaba niya sa sala ay pinigilan niyang matawa nang makitang nakikipaglaro si Matthew kay Cyla ng tea party. Napapalibutan pa ang mga ito ng stuffed toys ni Cyla at kunwa-kunwariang umiinom ng tsaa ang mga ito.

Sa laking tao ni Matthew, she never imagined him holding a tea cup with an imaginary tea na kunwaring iniinom nito.

The next day, nakita niya namang nakikipaglaro si Matthew ng Barbie kasama si Cyla. Pinapaliit pa nito ang boses para kunwari ay nag-uusap ang dalawang Barbie.

"Thank you, Tito Matt!" malambing na sabi ni Cyla nang nagme-merienda sila. "You always play with me. Papa is busy with work whenever I'm with them. I can only play with Mommy Eunice. But when I'm here, you and Mama will play with me!"

Niyakap ito ni Matthew at kinandong. "Ikaw pa ba? Malakas ka sa'kin!"

Humagikgik si Cyla. Hindi lang niya alam kung naintindihan nito iyon.

"Tito Matt, remember when Tito Peter asked me if I wanted you to be my Daddy Matthew?"

Nagkatinginan sila ni Matthew. Ang tagal na niyon. Nasa Monte Amor pa sila at lagi pa silang nag-aaway nito noon.

"Yes. Why?" Matthew asked Cyla.

Her daughter smiled. "Because I really want you to be my Daddy Matthew!" Yumakap si Cyla rito. "I love you, Daddy Matt."

Napansin ni Frances na parang natigilan si Matthew.

Naglaro sa mga mata nito ang lahat ng emosyon. Maya-maya ay unti-unting itong napangiti at kiniliti si Cyla.

Ang saya-saya ng tawanan ng dalawa.

Looks like, Matthew really made his own space in her daughter's heart.

May isa na itong na-accomplish sa listahan nito.

***

"MAGANDA iyong naisip mong plano nung isang araw," sabi ni Frances kay Matthew pagkatapos niyang magpa-check up sa OB.

"Ang alin?"

"Na dito na sa Manila magpatuloy ng pag-aaral si Red. Para magkasama kayo. Ang tagal niya na rin sa Monte Amor. Maybe it's high time for him to live in a big city and explore more things with you. Mas magkaka-bonding kayo. Mas magiging malapit kayo. Papasok na rin si Red sa puberty stage, mas maganda kung magagabayan mo siya. Saka para mas makilala niya rin ang Papa niyo."

Alam naman daw ni Red kung nasaan ang Papa nito at si Matthew. Pero hindi nagkaroon ng pagkakataon na makalapit ang Papa nina Matthew kay Red dahil pinagbawalan ni Matthew na makatapak sa Monte Amor ang ama nito.

Hanggang sa pag-uusap lang daw sa telepono ang nagagawa ng Papa nito at si Red.

"Matatapos naman na ng grade six si Red sa susunod na buwan. Lilipat ko na siya rito pagkatapos," ani Matthew.

"Okay naman ba sa bata?"

"Sabi nina Peter, ayos naman daw."

Baka excited din siguro si Red na makasama ang kapatid nito kaya walang problema rito kung malayo sa mundong kinalakihan. Nakita niyang parang malalim na ang iniisip ni Matthew. Kahit na ang atensyon nito ay nasa malaki niyang tiyan ay tila lumilipad ang isip nito.

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon