Chapter Fourteen

94.5K 2.5K 296
                                    

CHAPTER FOURTEEN

MAKALIPAS ang isang buwan ay mas gumanda pa ang pagsasama nina Matthew at Frances. Para ngang ayaw niya nang umalis ng Monte Amor. But any day now, they need to go back to Manila. Para matapos na ang misyon ni Matthew sa kanila.

Isang umaga, maagang ipinasyal nina Peter at Gracy si Cyla. Sila naman ni Matthew ay magkasamang pumunta ng bayan para mamili. Magpapagupit din ng buhok ang nobyo dahil napakabilis humaba niyon.

Papunta sila ng sakayan ng jeep at nauunang naglalakad si Matthew. Natawa si Frances. "Grabe ka. Hindi ka talaga sweet, ano?" aniya habang hinahabol ang malalaking hakbang nito.

Bigla itong napahinto sa paglalakad at nilingon siya. "Pasensya na. Hindi ako sanay na may kasamang nobya kapag naglalakad."

"Hindi ka ba pumapasyal noon sa mall kasama ng mga ex-girlfriend mo kapag nakikipag-date ka?"

O ganito rin ito maglakad talaga? Hindi man lang siya sinasabayan!

Kumunot ang noo nito. "Hindi ako nakikipag-date."

"Oh! Hindi pala uso sa'yo iyon?" Nakalapit na siya rito at kumapit sa braso nito.

"Hindi sa ganoon. Wala lang kasi akong ide-date."

Nanliit ang mata niya at tinignan ito. "Huwag mong sabihing hindi ka nagka-girlfriend!"

"Noong college pa ang huli."

She gasped. "Iyong hiniwalayan ka noon bago pa tayo magkakilala?"

Tumango ito at binagalan ang paglakad para makasabay siya at hindi mukhang nakakaladkad.

"Hindi ka nagka-girlfriend after college?"

Umiling ito.

"Ah. Flings lang?"

Nilayo nito ang tingin at tinago ang mga ngiti.

Kinurot niya ito sa tagiliran na ikinapitlag nito.

"Bakit ka nakikipag-fling lang? Ha?"

Natawa ito. "Ayokong magkaroon ng seryosong girlfriend."

"Bakit ayaw mo? Para hindi hassle makipagkalas kapag may nakita kang iba?" mataray na sabi niya.

Tumingin ito ng diretso sa mga mata niya. "Para kapag bumalik ka kahit anong oras, hindi masamang mahalin ka pa rin dahil malaya ako."

Napakurap-kurap siya at nakagat ang ibabang labi.

Nag-iwas ito ng tingin at tumingala. "Ayokong magka-commitment sa iba dahil hinihintay kita."

Napangiti si Frances at nag-init ang mga pisngi. Kinuha ni Matthew ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri nila.

"Sabi ko sa sarili ko, kung may seseryosohin man ulit ako, ikaw lang iyon, Frances. Gusto kong kapag nabanggit na may girlfriend ako, pangalan mo ang unang papasok sa mga isip nila. Katulad ng kapag iniisip kong may kasintahan ako, ikaw agad ang naiisip 'ko."

Nag-uumapaw ang init sa puso niya. "Y-You waited for me? For more than e-eight long years?"

Tumango ito.

Hindi siya makapaniwala! "H-How?"

Ngumiti ito nang makahulugan. "I've been watching you from afar. Nakikibalita kung kani-kanino..." Nagkibit-balikat ito. "I know your social media accounts."

Nanlaki ang mga mata niya. "You stalked me?!"

Gumusot ang ilong nito. "Ayoko sa tuwing nagpo-post ka ng larawan niyo ni Brandon. Nawawalan na 'ko ng pag-asa niyon. Pero nang malaman kong kalaban siya ng batas..." Nilingon siya nito. "I knew, I can take you away. I can save you, again. You can be... mine this time."

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon