CHAPTER SEVENTEEN
HALOS tumakbo pababa ng hagdan si Frances nang sabihin sa kanya ng mga "taga-bantay" niya na dumating na si Matthew.
Nasa huling baiting na siya ng hagdanan nang makita niyang pumasok si Matthew mula sa entrance door.
Napahinto si Frances sa paghakbang at natulala na lang sa nobyo.
Nakasuot ito ng gray v-neck shirt, camouflage pants, at black boots. Bumabakat sa shirt nito ang malapad na dibdib pati na ang nag-uumigting na mga braso. His jaw was cleanly shaven at nagpa-clean cut din ito.
Now, Matthew looks like a real soldier that came home from a war.
Nasa harap niya na ito ngunit mas umigting ang pagka-miss niya rito ngayon. Parang bagong Matthew ang nakikita niya.
Binaba nito ang dalang backpack sa sofa at saka nag-angat ng tingin sa kanya. Napahinto rin ito at umangat ang isang gilid ng labi. "Frances..."
Parang isang "go signal" ang pagtawag nito sa pangalan niya. Dahil agad niya itong tinakbo ng yakap.
"Matthew!" Pumulupot ang mga braso niya sa leeg nito. Nang malanghap niya ang natural na amoy nito at maglapat ang mga katawan nila ay muling naramdaman ni Frances ang kaligtasan sa mga bisig nito.
Hinampas niya ito sa dibdib. "Isang linggo kang hindi nagpakita! I was thinking of you all the time! Iniisip ko kung kailan ka uuwi. Nagsasawa na ko sa pagmumukha ng apat na unggoy na pinagbantay mo sa'kin."
Bahagya itong natawa."Pasensya na. Hindi ko akalain na marami palang trabahong naghihintay sa'kin. Kaya pinag-report ako agad ni Pa—ng chief para asikasuhin ang mga iyon."
Napalabi siya. "I know you're busy... Nag-aalala lang din kasi ako. Iyong sina Emilio Aguinaldo kasi, lagi nilang sinasabi na sumasabak ka sa field operations." napa-paranoid na sabi ni Frances.
"Isa pa iniisip ko iyong kaso ni Brandon kasi hanggang ngayon hindi pa rin tayo pumupuntang korte. Na-move ba ang hearing—"
Pinatigil na siya ng mga labi ni Matthew. Isang mabilis lang na halik iyon ngunit nangatog na ang tuhod niya. She missed his kiss.
"Ang dami-dami mong iniisip palagi, Frances."
"OC, remember?"
Napailing-iling ito. "Kumain na tayo. Alam kong hindi ka pa kumakain. Bakit naman ganoon, Frances? Bakit kailangan mong magpasaway?" Hinawakan na siya nito sa kamay at hinila siya papunta sa kusina.
Inirapan niya ito. "Nakakawalang gana kasi na wala ka...Wala rin ang anak ko. Nami-miss ko na kayo ni Cyla pero alam ko namang magkikita rin kami kapag naayos na natin 'tong kaso ni Brandon. Kaya ikaw na lang ang inaasahan kong makasama, pero wala ka rin pala? Kahit naman guwapo iyong apat na unggoy, hindi ako maaaliw sa kanila!"
"Hindi ka talaga dapat maaliw sa kanila dahil may asawa na iyong mga iyon."
"May asawa?" Bumilog ang mga mata niya. "Eh, kung ganoon pala bakit sila narito at binabantayan ako twenty-four-seven kung may mga pamilya na pala sila?"
"Ganoon ang trabaho namin. Walang uwian hanggang sa may matapos na importanteng kaso." Tiningnan ni Matthew ang ulam na nakaluto sa kaserola.
Bumitiw muna ito sa kanya at saka ito kumuha ng pagkain para sa kanila.
"Itong isang linggo kong hindi pag-uwi, katulad ng sabi ko sa'yo ay normal lang. Ang ikli nga lang ng isang linggo. Madalas, tatlong buwan akong hindi nakakauwi."
Napanganga si Frances. Alam niyang tagapagtanggol ng batas si Matthew at napakahirap talaga ng trabaho nito. Buhay lagi nito ang nakataya. Natatakot tuloy si Frances.
BINABASA MO ANG
Indomitable Matthew (TTMT #2)
Roman d'amourMatthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang mapansin. Frances Anne Lorzano, a young single-mom whose under Matthew's protection against her cri...