Chapter Twenty-Three

81.3K 2.3K 159
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

PRE-MARRIAGE counseling.

Um-attend sila Matthew at Frances niyon dahil mas makatutulong daw iyon sa kanila bago sila magpakasal.

Ginanap iyon sa kung saang Christian church nagsisimba si Frances.

She felt awkward dahil siya lang yata ang buntis doon.

Oh well, sino ba kasing nabuntis muna bago magpakasal? She's not the first and probably not the only one. But she still felt awkward sitting with a lot of young and pure girls there.

May pastor na umakyat sa stage at nag-welcome sa kanila. Sandaling talk at prayer ang ginawa nito bago sila sinabihan na bawat couple pala ay may tig-isang marriage counselors na kakausapin. Para raw mas personal ang activities na gagawin.

May sarili silang lamesa ni Matthew at sa harap nila ay may umupo na isang matandang babae. Maybe in her mid-fifties. Maaliwalas ang mukha at nakangiti.

"Good morning," bati nito at saka hiningi ang mga pangalan nila. Pagkatapos nilang magpakilala ay tumango ito. "Call me, Tita Bing, Matthew and Frances. Kumusta kayo? When are you planning to get married?"

"Ahm... three months from now po sana. Pagkatapos ko pong makapanganak."

Tumango ito. "I'm very glad that you chose to attend this pre-marriage counseling before you get married. Naniniwala akong mas malaki ang maitutulong nito sa inyo. Before we start with our activities. I just want to ask you both. How's your relationship with God?"

Napatingin si Frances kay Matthew at nakita niyang parang sasagot ito.

"May pinsan po akong tumatayong spiritual coach ko. He started to share the gospel to me since last year. And weekly, nagkakausap kami kahit sa phone lang kapag may mga tanong ako sa kanya about faith." anito kay Tita Bing.

"Oh. That's good!"

"May spiritual coach ka? Si Terrence ba?" natanong niya bigla dahil kahit kailan hindi naman nabanggit sa kanya ni Matthew iyon.

Well, lahat ng bagay napag-uusapan nila ni Matthew. But somehow, when it comes to religious aspects, parang hindi nila masyado nalalawakan ang pag-uusap doon.

Minsan, naisip ni Frances, baka hindi kasi interesado si Matthew. Siya naman parang walang lakas ng loob to open up that kind of topic. Nahihiya siya kahit consistent din naman ang pagga-guide sa kanya ni Crystal Jane tungkol sa mga kailangan niyang malaman.

Tumingin sa kanya si Matthew. "Oo," sagot nito. Napakunot-noo. "Hindi ko ba nabanggit sa'yo?"

Umiling siya.

"Ah. Baka kasi wala rin sa itsura ko na nagba-Bible study kami ni Terrence," natatawang sabi ni Matthew.

Tita Bing chuckled too. "Well, I can sense that you're a good man, Matthew. Nagwo-work naman sigurado ang growing faith mo. I guess, you're just not vocal about it?"

Marahang tumango si Matthew at napasulyap sa kanya. Pagkuwa'y nagkibit-balikat ito. "Para lang kasing hindi naman bagay sa'kin magsalita ng katulad ng mga sinasabi ng pinsan ko. He's a preacher. Akala ko nga, magpa-pastor iyon."

"How about you, Frances?"

Lihim na napangiwi si Frances. Hindi rin kasi niya nababanggit kay Matthew ang tungkol sa gospel sharing sa office nila.

"Ahm... I attend a weekly Bible study sa office namin. One of your office missionary na si Crystal Jane ang 'spiritual coach' ko. She's helping me a lot to understand who God is in our lives."

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon