Chapter Twenty-Two

84.7K 2.6K 216
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

"FRANCES! Bakit hindi mo sinabing ang yummy ng asawa mo?" tili ni Marj nang lapitan siya.

Napakunot-noo siya. "Anong yummy? Anong asawa? Wala akong asawa. 'Miss Lorzano' nga ako, diba?" Ano bang pinagsasasabi nito?

"Eh, sino iyong machong Papa na nasa lobby na may dalang mga bulaklak at sinabi sa'ming hinihintay niya ang uwian mo? Nang tinanong namin kung sino siya, sabi niya, asawa mo raw!" tili na naman nito na parang kinikilig.

"H-Huh?" Tigalgal siya. Si Matthew ba ang tinutukoy nito?

"Grabe, Frances! Babain mo na iyong asawa mo! May tampuhan kayo, ano? Kaya dine-deny mo at kaya may dala siyang flowers? Sinusuyo ka?" Impit itong napatili. Buti na lang at wala ang boss niya dahil next week pa uuwi.

Si Matthew, nasa baba? Sa lobby?

Pinuntahan siya nito? Bakit?

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ito. "Where are you exactly?" agad niyang bungad pagkasagot nito ng telepono.

Sinabi nito ang eksaktong address ng office building nila pati kung saan ito nakaupo sa may lobby.

"Ayan, ha? Eksaktong-eksakto."

"Pilosopo," aniya. "Bakit ka narito?"

"Sinusundo ka. Ang aga mong umalis kanina, hindi ko napansin."

Napabuga siya ng hangin. "Bakit nagpakilala kang asawa 'ko, eh, hindi naman?"

"Doon din naman papunta iyon."

Sandaling nawalan ng sasabihin si Frances. Napaupo siya sa upuan at saka hinilot ang sentido.

"Puwede ba, Matthew? Don't act as if katulad pa rin tayo ng dati. Uuwi na nga akong Australia."

Nasabi niya na rito kahapon na siguro mas mabuting umuwi na siya sa mga magulang at wala itong naging imik.

"At sinong may sabing uuwi ka ng Australia? Pumayag na ba ako? At wala namang nagbago sa pagmamahal ko sa'yo. Naduwag lang ako noong una. Pero hindi naman kita matitiis. Hindi ko naman kayang wala ka."

"Tatlong linggo kang nawala! Iyon pa ang hindi matitiis?" sumbat niya rito pero traydor ang puso niya, gusto na namang kiligin. Utu-uto nga yata talaga siya.

"Puwede bang bumaba ka? Para nakakapag-usap tayo ng maayos? Ang dami nating oras kahapon, tinulugan mo lang ako."

She rolled her eyes. "Marami akong trabaho." Sabay pinindot niya ang "End Call" button.

Inabala niya ang sarili sa pagso-sort out ng mga files at pag-aayos ng mga nagpapa-schedule ng meeting sa boss niya oras na dumating ito galing ulit ng Isabela.

Hindi napansin ni Frances ang oras dahil mabusisi ang pag-a-alphabetically arranged niya ng mga proposal na galing sa ibang kompanya. Kawawa ang kompanyang nag-start sa 'Z' ang pangalan dahil hinuli niya talaga iyon. Matagal pa bago mababasa iyon ni Sir Geoff.

"Frances, iyong asawa mo nasa baba pa rin."

"Hindi ko nga asawa iyon."

"Babain mo na kasi!"

Dahil malapit na rin naman ang uwian ay bumaba na rin siya dala ang mga gamit.

Pagkababa niya ay naroon pa nga si Matthew!

Nakasimpleng black shirt at pantalon lang. Pero ang lakas kasi ng dating kaya hindi puwedeng hindi ito mapansin ng mga taong dumadaan sa lobby.

Napatayo ito nang makita siya at napansin niyang may hawak itong bouquet. Nakahanda ang ngiti nito ng magkalapit na sila. His aura looks brighter than two days ago.

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon