Xyriel POV
Nakarating ako sa may rooftop na umiiyak..
"Uuuuuuuugh!" Sigaw ko.
"Hoy!" Napatingin ako sa sumigaw din at si Kobe. Lumalakad siya papalapit sakin. "Diba sinabi ko sayo. Kapag pumunta ka dito sa tambayan ko, wag kang maingay?" Naupo siya. "Anong problema ah?"
"Ang sakin ng braso ko eh. Dagdagan pa ng yung taong akala mo, kakampihan ka. Yun pala iba ang papaniwalaan niya." Sabi ko.
"Hubarin mo nga yang blazer mo." Sabi ni Kobe na napagkunot ng noo ko.
"Ano?" Sabi ko. Hinarang ko pa yung dalawang kamay sa katawan ko. Ano kasing kamanyakan ang iniisip ni Kobe?
Tumayo siya at hinarap ako. "Dali na. Kung Hindi mo huhubarin. Ako ang huhubad niyan," sabi niya.
"Oh siya." Sabi ko at hinubad ko na blazer ko. May blouse pa naman..
Nang mahubad ko na yun, bigla na lang niyang kinuha ang braso ko at nailing siya..
Nakita ko ring may pasa sa braso ko, siguro dahil 'to dun sa pagtama ng braso ko sa wall.
Patay ako nito Kay daddy, kapag nakita niya 'to. Magwawala yun at lagot si Kay Ayn..
Ilang sandali, bigla na lang akong hinawakan ni Kobe sa kamay at lumakad paalis ng rooftop.
"S-sandali, San tayo pupunta?" Tanong ko Kay Kobe Pero di niya sinagot ang tanong ko.
*
Ayn POV
Nandito kami sa Canteen ni Lean..
Sh*t naman talaga yang si Xyriel eh. Ba't naman niya ginawa yun? Hindi naman ako galit sa kanya eh. Actually, may narealise akong isang bagay at kahapon lang...
"Sigurado bang OK ka na?" Tanong ko Kay Lean na kaharap ko.
Nagnod naman siya. "Oo, salamat at naniwala ka." Sabi niya.
"Wala yun." Sabi ko.
Ilang sandali...
"Hoy lean!" Napatingin kami sa dumating at si Kobe, kasama si Xyriel.
"Bakit?" Tanong ni Lean.
"Anong bakit?.." Bigla na lang niyang hinawakan si Xyriel sa braso at.. "..kagagawan mo 'to diba?"
O___O
Nanlaki na lang ang Mata ko ng makitaan ko si Xyriel ng pasa sa braso..
"Aish Kobe, ano bang ginagawa mo? Tara na." Sabi ni Xyriel.
"N-napano yan?" Tanong ko.
Tumingin sa'kin si Xyriel na walang emosiyon yung mukha. "Kung sasabihin ko naman sayo. For sure di ka naman maniniwala." Sabi niya. "Tara na Kobe." Tapos lumakad na siya,.
"Si Lean na mismo, makakasagot niyan Ayn." Matapos sabihin yun ni Kobe, sumunod narin siya Kay Xyriel.
Tumingin ako Kay Lean. "Lean, anong sinasabi nila? Ikaw ba may kagagawan nun?" Tanong ko.
Hindi nakasagot si Lean, nakayuko lang siya..
"Lean, totoo bang tinulak mo si Xyriel ah?" Tanong ko ulit.
Tumingin siya sakin. "No. Hello? Ba't ko naman yun gagawin?" Sabi niya.
Aish, kung kanina. Naniniwala ako Kay Lean. Ngayon, nagdududa na ako..
Tumayo ako at lalakad na Sana ng...
"Wait, San ka pupunta?" Tanong niya.
"Pupuntahan ko si Xy, may kasalanan man siya o wala. kailangan ko parin siyang puntahan kasi binilin siya sakin ni Tito." Sabi ko.
At may isa pang dahilan. Na nag-aalala ako sa kanya? Well, yes.
Lumakad narin ako matapos sabihin yun..
Hindi ko na sila kailangan hanapin kung saan sila naruruon kasi, alam ko na kung saan dinala ni Kobe si Xyriel at sa rooftop.
Pagdating ko dun, di muna ako pumasok. Sinilip ko muna sila at nandun nga sila, nakaupo.
May hawak si kobeng ice pack tapos nilalagay niya yun sa braso ni Xyriel.
Nakita ko kung pano pagmasdan ni Xyriel si Kobe, habang seryoso itong nakatingin sa pasa niya..
Parang ang sakit-sakit..
Ang narealise ko?
I think... Gusto ko na si Xyriel.
-----------------------------
Vote and comment..
BINABASA MO ANG
Love At First Kiss (On-Hold)
Teen Fictionlucky I'm in love with my BESTFRIENEMY....... ©2015