#LAFK10-ITS A MIRACLE!

176 11 0
                                    

Xyriel POV

Nandito na ako sa labas ng bahay, hinihintay ko si Ayn.

Si daddy naman kasi eh. Sabi ko sa driver na lang ako magpahatid-sundo, pero ayaw niya eh. Gusto niya si Ayn lang yung maghatid-sundo sakin. Ito namang si Ayn, Hindi naman nag-kokotse.

Ayaw niyang magkotse kasi gusto niya akong makitang mapagod. Nong Una nakakapagod. Pero nong tumagal, naeenjoy ko narin ang paglalakad..

Ilang sandali, napayuko ako at tinitingnan ko lang ang paa Kong ginagalaw-galaw ko ng...

"Hoy!"

Inangat ko ang ulo ko at..

O___O

Wooooaaaah! ITS A MIRACLE!

Kasasabi ko lang na Hindi nagkokotse si Ayn patungong school, pero ngayon? Nakotse siya. Yun nga lang.. May driver.

Bumalik ang diwa ko ng magsalita siya. "Ano, Sasakay ka ba o Hindi?" Tanong niya. "Sige manong.. Ayaw yata."

"A-anong ayaw? Ito na nga oh." Sabi ko at agad akong inikot dun sa kabila at sumakay na din at umupo dun sa tabi niya..

"Woah, nakain? Ngayon ka lang yata sumakay ng kotse patungong school." Sabi ko.

"Tumahimik ka na lang nga diyan." Tapos tumingin siya sakin. "Gusto mo, pababain kita diyan?" Pagsusungit niya.

"Sungit!" Sigaw ko sa kanya.

May something ngayon Kay Ayn, Hindi niya ako masyadong inaasar..

Nakita Kong naglagay siya ng headset. Kaya tumahimik na rin ako..

*

Nang makarating kami sa tap at ng school. Nauna ng bumaba si Ayn at mabilis na lumakad..

Sumunod naman ako at Hindi ko siya masabayan sa bilis niya..

Napahinto lang ako ng makita ko ang second kiss ko. First kiss ko kasi si Ayn kaya, second kiss na lang si Kobe..

Omo! Ang gwapo-gwapo talaga niya.

Oo nga pala! Ano kaya yung sasabihin niya dapat kahapon?

Oo! Tama! Lalapitan ko na lang siya..

Lalakad na Sana ako ng bigla na lang may humila sa bag ko at si Ayn,.

"Hoy Ayn-sungot! Bitawan mo ako!" Sabi ko tapos pinipilit ko talagang makalakad..

"Diba binilin ka sakin ni Tito? Kaya sumunod ka sakin." Sabi niya at hinihila talaga ako.

"Tongek. Bat naman kita susundin?" Sabi ko.

"Basta!" Sabi niya.

Ah basta pala ah?. "Si Lean oh!" Sabi ko sabay turo kung saan, tumingin naman siya sa tinuro ko at ng ma bitawan niya yung bag ko, tumakbo na ako..

"Joke lang!" Sigaw ko sa kanya ng makalayo na ako sa kanya.

"Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw niya na parang nagtatampo? Tapos ayun, lumakad na siya,.

Tss. Ewan ko sa isang yun. Problema nun? Hindi ko na siya pinansin. Lumakad na ako papalapit Kay Kobe na nakatalikod..

*hawi buhok*

"Kobe." Sabi ko.

Tumingin naman siya sakin at siyempre pacute si ako..

"Sino ka?" Kunot noo niyang tanong.

-_____-

Woah ! Anyare? Nabagok yata ang ulo nito. Ang bilis yatang makalimot. Shete lang.

"Sorry, Hindi ako nakikipag-usap sa di ko kilala." Sabi niya at tinalikuran ako.

Love At First Kiss (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon