#LAFK22-Who is Sandra?!?

279 13 1
                                    

Xyriel POV

.

Pagkaliko ng pagkaliko namin ni Kobe. Hindi ko napigilan ang pagtawa ko. Parang Ewan lang Kasi si Ayn. Yung parang embis na si Kobe yung susugurin niya. Ako yung susugurin niya haha! Selos ang loko! Pero ang labo ko rin ano? Ba't ko naman ginawang pagselosin Siya? Ahh basta! Ang alam ko lang. Naiinis ako sa kanya! Lalo na nong nakita kong may kasama siyang ibang girl. Tss.

.

Napatingin ako Kay Kobe ng bigla itong magsalita. "Oh ano, OK ba? Nagawa nating pagselosin yung best boyfriend mo."

.

"Anong best boyfriend? Hindi ko siya boyfriend 'no. Hindi ko pa Siya sinasa--" luh! Ano ba 'tong sinasabi ko? Hindi pa nga niya ako nilili---Haay, ano ba 'to? Ba't parang sa mga sinasabi kong 'to. Parang lumalabas na gusto kong magpaligaw Kay Ayn. Yuck lang! Ayoko 'no? I don't like him! Si Kobe yung gusto ko! Tama! Si Kobe. Tsk.

.

Pero ba't ganun? Kahit kasama ko ngayon si Kobe. Parang di naman ako masaya o yung nahihiya? Diba ganun yun? Pag may gusto ka sa isang tao. Masaya ka or nahihiya ka kapag kasama mo Siya. Tsk! Ang labo naman...

.

******

Dismissal.....

.

Pagkalabas ng pagkalabas ko sa campus, sumakay agad ako ng kotse Nina Ayn. Di man lang niya ako pinansin. Ayun, busy sa kalalaro ng iPad niya at may headset pa sa tenga niya...

.

Kinulbit ko siya. "Uy." Sabi ko pero di niya ako pinansin. "Uy." Ulit ko pero Wala pa din. Kaya tinanggal ko yung headset sa tenga niya at.. "HOOOOY!" Sigaw ko sa tenga niya..

.

"Ano ba!?!" Sigaw niya na ikinagulat ko. "Impakta. Tigilan mo ako ah?" Ang tigas ng pagkasabi niyang yun at ayun, sinuot niya ulit ang headset sa tenga niya at sinandal niya ang sarili niya sa sandalan ng upuan at nagpatuloy na sa paglalaro ng iPad niya....

.

Sinandal ko rin sarili ko sa Sandalan ng upuan. "Gusto ko lang naman sanang itanong kung sino yung girl na kasama niya kanina eh. Tsk." Sabi ko. Hindi naman niya ako maririnig kasi nakaheadset naman siya... Tapos, isinandal ko na lang ang ulo ko sa Window ng kotse...

.

Ilang sandali, napatingin ako Kay Ayn ng.. "Hello, Sandra?.... Oo, pupuntahan kita diyan sa inyo.... Ihahatid ko pa kasi itong...." Tumingin siya sa'kin. "Impaktang 'to oh.... OK, bye." Matapos niyang ibaba yung phone. Nagpatuloy na siya sa paglalaro.

.

Waaaah! Hindi ko na yata 'to kaya. Kanina ko pa 'to gustong itanong sa kanya. "Ehem, sino yung Sandra? Yun ba yung kasama mo kanina?" Tanong ko.

Love At First Kiss (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon