#LAFK27- Theme song

247 11 3
                                    

Xyriel POV


"Biking tayo?" Sabi ni Ayn at nandito parin kami sa living room. Nakaupo lang kami pareho sa sofa habang nanunuod ng tv. Kinuha niya sakin yung iniinom kong Zest-O kasi di ko pinansin yung sinabi niya..


"Ano ba?" Reklamo ko.


Nilapit na naman niya mukha niya sa mukha ko! Nakakainis si Ayn ang hilig niyang gawin yan! Para naman akong duling nito habang nakatingin sa gwapo niyang mukha!! "Ang sabi ko, biking tayo." Sabi niya dahilan para bumalik ang diwa ko.


Umiwas ako ng tingin. "A-ayoko, baka masugatan na naman ako eh." Sabi ko.


"Sasakay ka naman sa likuran ko eh."


Magsasalita pa sana ako ng hawakan niya ako sa kamay at lumakad. Pagdating namin sa labas, kinuha niya yung bisekleta at sumakay siya..


"Sakay na." Sabi niya at nginuso pa niya yung likuran ng bike..


Sumakay naman ako gaya ng sinabi niya at humawak ako sa damit niya. Pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at nilagay niya sa tiyan niya para mapayakap ako sa kanya..


"Kapit ka ng mabuti ah?" Sabi niya.


"O-oo." Nauutal kong sabi..


Ilang sandali nagsimula na siyang magpedal at mahina lang yung pag-paandar niya ng bisekleta. Ilang sandali din, unti-unti ko ng naisandal ang ulo ko sa likuran ni Ayn habang nakayakap ako sa kanya.,


At maya-maya pa, narinig ko siyang kumanta..


'Do you hear me?

I'm talking to you

Across the water. Across the deep blue.

Ocean under the open sky.

Oh my, baby I'm trying..'


Huminto siya sa pagkanta..


"Xyriel, ikaw naman." Sabi niya.


"Ang alin?"


"Kumanta."


Natawa ako ng pilit. "Haha. Ayoko, ikaw na lang.."


Naku naman, di ako marunong nun eh. Ne di ko nga Alam ang lyrics ng kantang yun at ngayon ko lang narealise na maganda pala yun ng narinig ko sa kanya...


"Sige na xyriel, yung line lang ni colbie.."


"Ayoko nga. Eh sa Hindi ko nga Alam yung kantang yun eh."


Hininto niya yung bisekleta kaya bumaba ako at ganun din siya. Itinabi niya yung bisekleta at hinawakan ako sa kamay tapos Inupo sa bench...


"Kung ganun, gusto ko pag-aralan mo yung kanta ah? Gusto ko kasi yun ang magiging theme song natin."


Natawa ako. "Theme song talaga?"


"Bakit ka natatawa?"


"Ang corny mo kasi. Theme song talaga?"

Love At First Kiss (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon