#LAFK9-Blah blah blah

161 12 0
                                    

Ayn POV

"Ahh ganun? Sige isumbong mo ako. Isusumbong din kita Kay dad na sa halip na ako yung kampihan mo kanina. Iba yung kinampihan mo. Ayan tuloy. Umiyak ang little princess ni dad."

O___O

Kung iniisip niyo nagulat ako dahil narinig Kong isusumbong niya ako Kay Tito. Nagkakamali kayo.. Dahil yun sa narinig Kong umiyak siya.

"Umiyak ka?" Tanong ko.

"U-uhm oo. Ikaw kasi, diyan ka na nga." Sabi niya na parang nahiya at lumakad..

Dahil iisa lang yung room namin, sumabay ako sa kanya..

"Hindi ko alam, marunong din palang umiyak ang impaktang tulad mo." Sabi ko.

"Sinamaan niya ako ng tingin. " eh kung batukan kaya kita diyan." Sabi niya at umakmang babatukan talaga ako.

"Sige subukan mo. Hahalikan kita diyan." Ansabi ko?? Hahalikan? Bat ko yun nasabi. Tss. Kung ano-anu na lang lumalabas sa bibig ko.

"Tss. Hindi ko na yun. Hahayaan na mahalikan mo ako ulit 'no? Tama na yung kiss kagabi sa room natin. Parang masamang panaginip na lang yun sa'kin." Sabi niya.

"Talaga lang ah? Eh yung kiss ni Kobe?"

Biglang nagbago yung expression ng mukha niya. Parang kinilig na Ewan?

"Yun? Yung panaginip na ayokong kalimutan." Sabi niya na parang nagdadaydream pa na parang iniimagine niya na nasa harap niya si Kobe.

Bigla na lang akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya.

Yung kiss ko sa kanya. Masamang panaginip yun para sa kanya!? Pero yung kiss ni Kobe, magandang panaginip? Tss.

Ilang sandali, mabilis akong lumakad..

*

Xyriel POV

"Hoy Ayn! " tawag ko, bigla na lang kasi siyang lumakad...

"Blah blah blah. Wala akong naririnig! Wala akong naririnig!" Sabi niya na may pagtakip pa sa tenga..

Aba! Ginaya pa talaga ako?

"Hoy! Line ko yan ah!" Sigaw ko.

"Mukha mo!"

"Mukhang artista!"

Haha. Kala niya ah?

Ilang sandali, sumunod narin ako sa kanya na mabilis na lumalakad..

*

Dismissal..

Nagliligpit pa lang ako ng gamit pero lumabas na kaagad c Ayn.

Balak na nman ba nya akong iwanan?

Nang maligpit ko na gamit ko , Agad nman akong sumunod..

Naabutan ko pa siya , pero ang bilis niyang maglakad. Sa tuwing

nagkakasabay kami , bumibilis paglakad niya.

Problema ng isang to?

"Uy Ayn." Sabi ko, Pero di niya ako pinapansin.

"Uy Ayn. Di mo ba talaga papansinin? Ikaw din, isusumbong kita

kay daddy." sabi ko pero wala pa din.

"hoy Xyriel!"napahinto ako at nilingon ang tumawag at si Kobe!!

"Oh bak--" Napatigil ako dahil may bigla na lang humigit sakin at

hulaan niyo kung sino.. Si Ayn!

*

Nakarating kami sa labas ng campus na higit-higit niya pa din ako.

"Sandali lang Ayn." Sabi ko, huminto naman siya at binitawan na niya kamay ko.

"Ano bang problema mo?" Kunot noo kong tanong na may paghawak pa sa kamay ko. Medyo mahigpit din kasi yung hawak niya sa'kin eh..

Hindi niya ako sinagot , lumabas lang siya ng hininga tapos lumakad siya ng mabilis.

Agad naman akong sumunod..

"Tsk. Ang labo mo. Bat bigla mo na lang akong hinigit kanina? Pano kung may mahalagang sasabihin pala yung tao?" Sabi ko habang sumusunod ako sa kanya.

Bigla na lang siyang huminto kaya nabunggo ako sa kanya.

"Aray ko naman, bat bigla ka na lang humihinto?" Tanong ko.

Hinarap siya sakin at di ko maintindihan, kung galit ba siya. Inis o kung ano..

"Gusto mong nalaman kung ano ang sasabihin ng taong yun?"

Nagnod lang ako ulit ng maraming beses with smile pa, parang tanga lang ako ulit 'no?

"Edi bumalik ka." Sabi niya at lumakad ng mabilis.

"Ayoko nga! Mamaya iwan mo na naman ako eh. Bukas na lang." Sabi ko at sumunod narin sa kanya..

Minsan talaga, Hindi ko maintindihan ang pag-uugali ng isang 'tong eh. Minsan, mabait. Minsan ang sungit.,

---------------------------

Continued...

Love At First Kiss (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon