Xyriel POV
Waaaaaaaaaaaah! Ano yun?!?
.
Napasandal lang ako ngayon sa pinto ng kwarto ni Ayn, napatakbo kasi ako matapos niya akong halikan. What the eff naman! Huhuhu. Napahawak ako sa bandang dibdib ko, yung tibok ng puso ko. Kasing bilis ng tibok na puso ni Ayn kanina. Ba't ganun? Alam kong pangatlong beses na akong mahalikan ni Ayn, pero iba ngayon. Ngayon lang bumilis ang tibok ng puso ko. Mas mabilis pa dun sa first kiss namin.
.
Ilang sandali, muntik na akong natumba ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Ayn at lumabas Siya ng nakangiti.. Hanggang ngayon, natitigilan pa din ako..
.
"Oh ba't parang nakakita ka ng multo?" He asked. Tapos hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Hoy, gumising ka nga." Sabi niya na may pag-alog pa sa'kin tapos hinawakan niya ako sa kamay. "Tara, picture na tayo."
.
Matapos niyang sabihin yun, lumakad na siya habang hila-hila ako. Ibang klase si Ayn, parang Wala lang sa kanya ang kiss na yun? samantala ako hanggang ngayon, lutang parin ang isip ko..
.
Nakarating kami sa garden ng bahay Nina Ayn at hanggang ngayon, hawak niya pa din kamay ko. Parang Wala na yatang balak na bitawan eh. Binitawan lang niya ng may nilabas siyang Camera..
.
"Maupo ka na dun Xyriel." Sabi niya at nginuso niya yung bench, para naman akong robot na sumunod sa kanya. Kasi nga hanggang ngayon. Tulala pa din ako dun sa kiss niya sa'kin.
.
Umupo ako sa bench habang Siya inaayos niya yung camera na nilalagay niya sa tripod na nakaharap sa'kin.
.
"Smile ka Xy ah?" Sabi niya.
.
Matapos niyang ayusin yun, lumapit narin siya at umupo sa tabi ko. Tapos bigla na lang niya akong inakbayan habang nakatingin sa camera kaya ngumiti na lang din ako...
.
Kung anong-anong pose ang ginawa namin ni Ayn habang pa tuloy yung pagclick at flash ng camera. Merong, pinipisil namin ang magkabilang pisngi naming dalawa. Merong, ginugulo niya ang buhok ko at ang sama ng tingin niya sa'kin, samantala Siya nakatawa lang. Merong, parang monkey yung mukha namin. May wacky pose din. Merong, nakalean yung ulo niya sa balikat ko at ako din sa kanya. And lastly.....
.
Kinulbit ako ni Ayn. "Xyriel, tumingin ka sa'kin." Narinig kong sabi ni Ayn, kasi nakatalikod ako sa kanya..
.
Lumingon naman ako sa kanya. "Baki--"
.
*tsup*
.
O_O
.
Waaaaaaaaaah! Kiniss na naman ako ni Ayn at for sure nakuhanan yun sa camera..
.
"Ayos!" Masayang sabi ni Ayn matapos niyang gawin yung paghalik sa'kin. Samantala ako, nakatulala na naman..
BINABASA MO ANG
Love At First Kiss (On-Hold)
Teen Fictionlucky I'm in love with my BESTFRIENEMY....... ©2015