#LAFK24-Sweet Lady

201 13 1
                                    

Xyriel POV

.

"Tito.. Pwede ko bang ligawan si Xy?"

.

Waaaaah! Naku! Ayn! Paktay kang bata ka!

.

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo si daddy dahilan para mapatingin ako sa kanya. Lumakad siya papalapit Kay Ayn para harapin ito. At napatayo din ako. Para lumapit din sa kanila., for emergency!!!

.

Nakita ko yung seryosong mukha ni dad habang nakatingin Kay Ayn..

.

Waaaaah! Dad! Sisipain mo na ba si Ayn??!

.

"Bakit mo liligawan si Xy?" Luh! Nakakatakot yung boses ni daddy. Ang seryoso masyado!

.

Napahawak sa batok si Ayn. "Because... I like her po Tito.."

.

Hindi nakasagot si dad sa sinabi ni Ayn. Pareho kaming natahimik. Walang nagsasalita! Ako naman ito. Nakikiramdam Kay dad. Baka gawin nga niya yung sinabi niya sakin kanina na kung may manligaw sakin sisipain niya palabas ng bahay...

.

Tiningnan ko si Ayn at halata ring sa mukha niya yung kaba. Ilang sandali. Biglang hinawakan ni dad si Ayn sa magkabilang balikat na ikinagulat ko..

.

"Dad, anong gagawin mo? Sisipain mo na ba si Ayn?" Kinakabahan kong tanong. Pero di ako sinagot ni dad. Nanatili lang siyang nakatingin ng seryoso Kay Ayn habang hawak ang mga balikat nito..

.

Ilang sandali. Nagulat na lang ako ng bigla niyang nginitian si Ayn. "Oo naman." Sabi ni dad tapos tinapik niya si Ayn sa balikat.. Ako?? Spell N-G-A-N-G-A!! Napatingin ako Kay Ayn at parang nawala yung kana niya at napilitan ng ngiti..

.

"Talaga po Tito?" Masayang tanong ni Ayn.

.

"Oo naman. Pumapayag akong ligawan mo si Xyriel." Tapos bigla na lang akong tinulak ni Dad papalapit Kay Ayn.. Nganga lang ako ulit Kay daddy!! Ang labo ng ama ko 'no??

.

Nilapit ni Ayn ang bibig niya sa tenga ko. "Pano ba yan? Payag na si Tito. Edi, payag ka narin.." Bulong niya sakin. Tiningnan ko siya at nagwink pa siya sa'kin..

.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin Kay dad.. "Dad, diba Sabi mo bata pa ako... At diba sabi mo, sisipa---"

Love At First Kiss (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon