#LAFK12-Edi Isumbong mo!

143 13 1
                                    

Xyriel POV

Paglabas ko ng bahay, saktong dumating si Ayn sakay ng kotse..

Pagbukas ko ng pinto para sumakay Sana..

"Good morning xyriel."

-____-

Si Lean na naman..

"Morning." Walang gana kong sagot tapos padabog kong isinara ang pinto at sumakay sa tabi ni manong driver...

"Ayn. Sabay tayo maglunch mamaya. Gusto mo?" Narinig Kong tanong ni Lean Kay Ayn kaya napatingin ako sa rearview mirror at saktong napatingin din si Ayn kaya nagsalubong na naman ang paningin namin...

"Eh kasi Ano--"

"Ah Hindi, OK lang.. May kasama naman ako mamaya maglunch eh." Putol ko sa sasabihin ni Ayn at nginitian ko sila ng pilit.

Kinunutan niya ako ng noo. "Sinong kasama mo?" Tanong niya.

"Si Ano.." Isip Xyriel. "Si..."

"Si Kobe ba?" Sabi ni Lean.

"Ha? A-ah Oo! Tama. S-si kobe nga. Yun kasi Sabi niya sakin matapos naming maglaro eh." Pagsisinungaling ko.

Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pang magsinungaling sa mga 'to eh..

Ilang sandali, napatingin ulit ako Kay Ayn ng...

"Hindi. Sakin ka mamaya sasabay maglunch." Sabi niya tapos tumingin na siya sa bintana.

Ang labo ng isang 'to..

Pero ang seryoso ng mukha niya ng sabihin niya yun..

*

Pagdating namin sa tapat ng school..

Bumaba na ako ng kotse. Ganun din si Ayn at si Lean..

"Mauna na ako Ayn." Sabi ni Lean Kay Ayn..

"OK." Sagot lang ni Ayn.

"Bye." Paalam ni Lean.

"Bye." Sagot naman ni Ayn.

"Bye Xyriel." Paalam niya sa'kin at lumakad na..

Eh? Ganun? Ang plastik talaga masyado ng isang yun..

Tumingin ako Kay Ayn. "Mauna na ako ah? May pupuntahan pa ako eh." Paalam ko Kay Ayn..

Lalakad na Sana ako ng..

"San ka pupunta?" Tanong niya na nakapagpakunot ng noo ko.

"Bakit ba?" Tanong ko.

"Binilin ka sakin ni Tito diba? Kaya dapat lang na malaman ko. Mamaya kung ano-anu na naman ang gagawin mo at makipaghalikan ka na naman sa kobeng yun." Sabi niya.

"Tss. Ikaw nga diyan eh. Nakikipaghalikan kay Lean." Sabi ko.

"So?" -siya

"Eh di So din?" Sabi ko naman. "Sige na nga, diyan ka na nga." Sabi ko.

Lalakad na Sana ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay at lumakad..

"Ano ba Ayn? Bitawan mo nga ako." Sabi ko at nagpupumiglas pa ako Pero Hindi niya ako pinapansin. Patuloy lang siya sa paglalakad habang hila-hila ako..

"Ang weird mo Ayn ah? Sabihin mo, nagseselos ka ba samin ni Kobe?" Tanong ko na ikinatigil niya..

Hinarap niya ako at tumingin siya ng seryoso Pero di naman nagsasalita.

"Ikaw." Sabi niya na nakapagpakunot ng noo ko.

"Ako?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko.

"I think.." Napahinto siya... "... I think..."

*Kring kring kring*

Napatakbo na ako ng tumunog ang bell. Si Ayn, Hindi ko alam kung sumunod siya. Bahala siya..

Pagdating ko sa room, agad akong naupo sa upuan at nakita ko si Ayn na kapapasok lang at salubong yung kilay.

Nga pala. Ano kaya yung sasabihin niya dapat kanina?

'I think.... I think...'

Kinulbit ko siya ng makaupo sa upuan niya. "Ah Ayn... Ano nga yung sasabihin mo dapat kanina?" Tanong ko pero Hindi niya ako pinansin. Hindi niya ako sinagot o lumingon man lang. Kaya hinayaan ko na lang...

*

Nililigpit ko na gamit ko dahil lunch break na...

Ilang sandali, nakita Kong palabas na ng room si Ayn kaya...

"Uy Ayn! Akala ko ba--"

"Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw niya ng Hindi ako nililingon.

Tss, problema ng isang yun?

Aish, bahala na nga siya sa buhay niya..

Matapos Kong ayusin ang gamit ko. Lumakad narin ako palabas ng room..

At habang naglalakad ako, Hindi ko naman sinasadyang makasalubong si plastik este Lean..

"Lean, ayoko ng gulo." Sabi ko at lalakad na Sana ako ng bigla niyang hinila ang buhok ko. "Ah sh*t! Bitawan mo nga ako lean!" Sabi ko.

"Ayoko nga." Sabi niya.

Shete lang! Ang sakit ah? Ilang sandali, bigla niya akong tinulak. Sa lakas ng pagtulak natama yung braso ko sa wall at napaiyak na lang ako kasi masakit..

"Ano ba?!" Sigaw ko habang naiyak. Ngumisi lang si Lean at ganun din si Colly.

"Walangya ka!" Sigaw ko at sinugod ko siya kahit masakit ang braso ko.

Pinagsasabunutan ko siya at ganun din siya sakin.

Ilang sandali, napatumba kami at agad akong umupo sa ibabaw niya at pinagsasampal ko siya.,,

"Walangya ka! Walangya ka! Sumusobra ka na talaga!" Sabi ko habang naiyak at pinagsasampal ko siya..

"Aray! Tama na!" Sigaw niya at paiyak narin.

"Tama na ah? Ang sakit ng ginawa mo! Alam mo ba? Wala naman akong ginagawa sayo ah, Pero bakit galit na galit ka sakin ah!?"

Pinagkukumpulan na kami ng mga estudyante Pero wala akong pakialam..

Ilang sandali...


"Xyriel!"

Si Ayn.. Hinila niya ako patayo at tinulungan niya si lean na mas lalong nakapagpaiyak sakin.

"Xyriel, Ano na namang ginawa mo?" Tanong ni Ayn ng maitayo niya si Lean.

"Ginawa?! Siya kaya tanungin mo! Tinulak niya ako. Alam mo ba?!" Sigaw ko.

Tumingin siya Kay Lean. "Totoo ba yun?" Tanong niya Kay lean Pero umiling ito.,

"Napakasinungaling mo talaga!" Susugurin ko Sana siya ng pigilan ako ni Ayn.,

"Tama na Xyriel!" Sigaw ni Ayn. "Isang-isa na lang isusumbong na talaga kita Kay Tito."

"Eh di isumbong mo!"

Matapos ko yung sabihin. Tumakbo na ako.

-------------------------------

Vote and comment!

Love At First Kiss (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon