Ayn POV
Hinahanap ko na ngayon si Xyriel gamit ang kotse ni papa.
Kung ano-anung dahilan ang sinabi ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na hahanapin ko si xyriel. Kasi for sure Hindi lang ako Kay tito malalagot, pati rin sa kanila..
Sh*T saan na kaya nagpunta ang impaktang yun?
At habang nagdadrive, sinusubukan ko ring tawag an ang phone niya pero ring lang ng ring loko..
"Impakta! Ugh! Sh*t ka! San ka na nagpunta?" Sabi ko sa sarili ko.
At lilinawin ko lang ulit, di ako nag-aalala sa kanya,
*
Xyriel POV
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang nakalean ang ulo ko sa armchair ng upuan ko.
Napagod kasi ako kalilinis kanina.
Inangat ko ulo ko at nag-unat ako tapos naghikab..
O___O
Luh! Anong oras na ba?
Kinuha ko yung phone sa backpack ko at saktong tumawag si Ayn.
Agad ko yung sinagot..
[Hoy Impakta! Ba't ngayon mo lang sinagot tawag ko!]
Nailayo ko ang phone ko sa tenga ko dahil sa sigaw niya.
-____-
Aish, makasigaw naman ang isang 'to.
Binalik ko naman ulit yun sa tenga ko.
"Hello Ayn. Sorry naman, natulugan kaya ako. At isa pa! Wag mo nga akong sigawan! Kasalanan mo kaya hanggang ngayon nandito parin ako sa school, mas inuna mo pa yung crush mo kesa sakin. Well, sino nga ba naman ako. Isa lang naman akong BEST FRIENEMY para sayo, diba? Tss." Sabi ko.
[Nasa school ka pa?] Kalmado niyang tanong.
"Oo 'no? Hinintay kaya kita kanina." Sabi ko.
[Sige, hintayin mo na lang ako diyan.]
Matapos niya yung sabihin, binabaan niya ako ng phone..
Napatingin na lang ako sa screen ng phone ko at nginungusu-ngusuan ko yun na parang iniisip Kong si Ayn yun..
*
"Aaaaaaaaaaah!" Sigaw ko dito sa loob ng classroom habang naglalakad-lakad lang,
Pinapa-echo ko boses ko kasi sobrang nakakabagot na..
Kanina pa ako, naghihintay Kay Ayn eh..
Kung iniisip niyong natatakot akong mag-isa dito. Hindi ano? Hindi naman ako takot sa multo..
Napatigil ako, dahil may naisip ako.
Speaking of multo!
*evil smile*
Paktay ka sa'kin mamaya Ayn!
*
Ilang sandali, may narinig na akong mga Yabag ng paa na papalapit dito sa room.
At sigurado akong si Ayn na yan.
Tumayo ako mula sa pagkaupo ko at lumapit sa may switch tapos pinatay ko yung ilaw.
Tingnan lang natin tapang mo ngayon Ayn.
"Impakta?"
Oh ha? Siya na nga.
"Putek, walang ilaw." Nasabi pa niya.
Binuhaghag ko yung nakapuyod kong buhok ko at binuksan ko yung flashlight ng phone ko tapos nilagay ko yun sa baba ko.
"Xy--"
"Awwwwooooh!" Sabi ko na parang momo.
"S-sino ka?"
Haha! Halata sa boses niya na natatakot siya, nakakatawa naman 'tong si Ayn ang sarap pagtripan..
"Awwwwoooooh! Hindi mo ako kilala? Nandito ako para maghiganti sa mga pumatay sa'kin at ikaw ang uunahin ko." Sinabi ko yun sa tonong nakakatakot na boses habang unti-unti akong lumalakad papalapit sa kanya,
Dahil kahit madilim, alam kung saan siya naruruon.
"D-diyan k-ka lang, w-wag kang lumapit,"
Malapit na talaga akong matawa Kay Ayn kasi halatang sa boses niyang takot na takot talaga siya.
"Hindi. Papatayin kita. Maghihiganti ako." Sabi ko parin sa tonong nakakatakot na boses..
"MULTTTTOOOOO!!!"
dun ko na Hindi napigilang tumawa dahil sa sigaw niyang yun.
"Hahahahahaha!" Tawa ko na may paghawak pa sa tiyan.
"X-xyriel?" Sabi niya.
Lumakad ako papalapit sa switch at binuksan ko yung ilaw.
Tawa parin ako ng tawa habang si Ayn pansin ko yung paglabas niya ng hininga tapos pinagpawisan siya..
"Ano ka ngayon? Hanggang ngayon, takot ka parin sa multo? Nakakatawa ka Ayn. Kalalaki mong tao. Duwag." Natatawa kong sabi.
"Ah ganun?"
Alam ko na susunod niyang gagawin kaya tumakbo na ako,
Hinabol niya ako ng hinabol at paikot-ikot lang kami dito sa loob ng room at tawa ako ng tawa habang paulit-ulit Kong isinisigaw 'duwag!'
"Duwag! Hahaha!" Natatawa Kong sabi.
"Patay ka sa'kin kapag nahuli kita!" Sigaw niya.
"Duwag! Takot sa multo! Hahaha!" Natatawa ko paring sabi.
Paikot-ikot parin kami dito sa room at ilang sandali, para kaming nagpapatentero dito sa teacher's table.
"Duwag." Sabi ko,
"Hindi ako duwag." Sabi naman niya na may paghawak pa sa side ng table.
"Ohws? Di nga? Eh anong tawag sa lalaking takot sa multo?" Pang-aasar ko sa kanya,
"Sinabi ng Hindi ako duwag eh!"
O___O
Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumungtong sa table at tumalon papunta sa'kin at bigla niya akong yinakap sa waist.
"Waaaaah! Ayn. Bitawan mo ako!" Sabi ko habang nagpupumiglas ako.
"Bitawan? Sabihin mo ngayon sa'kin, sinong duwag?" Tanong niya,
"Ikaw." Sagot ko,
"Ganun?"
Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa..
O_____O
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
He kissed me!
-----------------------------------
Continued...
Comment and vote on this chap. Para madali kong ippost next chap, ^_______^
BINABASA MO ANG
Love At First Kiss (On-Hold)
Fiksi Remajalucky I'm in love with my BESTFRIENEMY....... ©2015