Chapter 5: Intrams (Love Moves)

27 6 9
                                    

Part 3:

This is it ito na ang laban ko balita ko ay Apat lang kaming maglalaban sa strand HUMSS, TVL, STEM AT ABM puro solo.

Maaga ako bumangon ngayon dahil magluluto ulit ako pagkain namin. Menudo ang lulutuin ko ngayon. Naghiwa na ako ng mga ingredients para sa lulutuin ko syempre maliligo muna ako bago magluto dahil mabababad ako sa init bawal pa naman yun baka mapasma ako lalo.

Kinakabahan pa din ako para mamaya sa laban sana maipanalo ko although sa finals (Saturday) pa naman sasabihin panalo kayaa nakakakaba. Nag ayus na ako ng mga gamit ko pati ng dadalhin ko sa school at ang gown na susuotion ko argh buset talaga.

Habang tinitignan ko yung gown na susuotin ko nagdadabog ako buset ayoko talaga ng gown. Maaga pa kayaa may time pa akong magdabog 6am ako nagising pero 9 pa naman ang start kahit malate pwede na dahil kalagitnaan na ng Intrams. 1pm pa naman ang laban ko kaya may time pa.

"Can I call you baby
Can you ba my friend
Can you my lover until the very end"

Kanta ko habang naliligo ako. Parang practice na din ito sa laban ko mamaya. Nang matapos na Ako maligo at nagsimula na akong magluto.

"Magustuhan kaya nila ang luto ko?" tanong ko sa sarili ko.

"Oo naman sarap mo nga magluto eh" sambit ni Jayron.

"Naku Jayron---" napahinto ako sa pagsagot ng maalala kong maaga pa nandito si Jayron?.

Humarap ako sa likod ko at nandito ka nga si Jayron.

"Ang aga mo naman paano ka nakapasok dito wag no sabihing as bintana ka na naman dumaan?" inis na sambit ko sa kanya.

"Huyy hindi bukas kasi pinto mo kanina pa nga ako diyan kasoo walang sumasagot kaya pumasok na ako" mahabang lintanya niya pa sa akin.

"Oh kumalma ka para kang kabado diyan" sambit ko.

"Eh baka batuhin mo ako sandok eh" nakangusong sambit niya pa. "Btw ano niluluto mo?"

"Ahh menudo nahiya kasi ako sainyong tatlo eh" - ako.

"HAHAHAH nagprisinta ka din naman eh kaya magtiis ka" sambit nito sabay takbo kaya binato ko siya ng sandok na hawak ko ayun sapul sa ulo.

"Aray naman malayo na nga ako nasapul mo pa ako paano mo ba nagagawa yan?" sambit nito habang nakahawak sa ulo niya na tinamaan ng sandok palapit na din siya dito para iabot yung sandok na binato ko sa kanya.

Waking up in MiseryWhere stories live. Discover now