Jayron's POV
Nandito kami ngayon sa mall namimili ng mga kailangan para sa birthday ni Xea. Kasama ko si Akia mamili ng mga kailangan sa birthday ni Xea. Bukas na ang birthday niya kaya kailangan maayus na lahat mamaya.
'Painumin ko kayaa siya ng pangpatulog' natawa ako sa naisip ko kayaa napatingin sakin si Akia.
"Anong nakakatawa sa paligid?" mataray na tanong nito. "Or should I say may iniisip ka namang kalokohan ano?!" takang tanong niya pa.
"Wala naman nakaisip lang kalokohan HAHAHHAH" sagot ko kayaa tumango na lang ito at pumasok na sa loob ng Party Shop.
Pinamili namin ang mga kailangan. Pinakamarami na binili namin ay lobo. Sa mga pagkain na lulutuin namili na din kami para di na mahirapan. Ako pala ang magluluto.
Xea's POV
Tommorow is my birthday pero wala akong inaasahan kasi nakalimutan ko lahat takot ako sa kaibigan kong lalaki. Bakit ganito ano bang nangyari sakin. Takot ako kay Zoren pero bakit gustong gusto ko siya kasama.
"Hoyyy tulala ka?" tanong ni Andrea.
"Wala iniisip ko lang talaga ano bang nangyari? Bakit ako ganto takot sa mga boys?" takang taka ko pa ding sambit. Natahimik siya sa tanong ko.
"Wala akong karapatan para pangunahan si Jayron sa kanya ka na lang magtanong pinsan mo naman siya eh" sambit nito sa akin.
I want to know everything. Gusto ko na makaalala. Alam kong may ginawa sakin si Zoren dati pero bakit hinahanap ko siya.
Kinabukasan...
Nagising na lang ako dahil may malikot sa higaan ko. Pagdilat ng mata ko biglang may sumabog na confetti.
"Happy birthday Xeaaaaaa!!!" sabay sabay nilang sigaw.
Kayaa pala nanghiram susi ng kwarto ko si Jayron kagabi dahil may pagantong surprised. Hindi ko manlang naramdaman iyon. Halatang tulog mantika talaga ako.
"Halaaa totoo ba ito?! Sinurprised niyo ako first time ah" natatawang sambit ko.
"What?! Anong first time? Dati din nagsurprise kami sayoo nakalimutan mo na nga lang?" malungkot na saad ni Trice sa akin.
May paganto din dati?. Isa sa mga gusto kong maalala dahil mayroon sa past ko na nakalimutan ko na. Nakita ko ang mga boys na nakasama namin sa Batanes nung namasyal kami. Nakita ko din si Ravin na kaaway ko.
Ewan ko ba bakit naging ganyan yan naging mabait sakin.
"Happy birthday nga pala Xea. This is my gift for you" sambit niya pagkalapit sakin.
"Ahmm thank you" ilang na sambit ko.
Ganon din ang ginawa ng iba inabot din ang mga gift nila. Nagpasalamat lang ako. Nakita ko si Zoren na hindi nasisiyahan sa party na ito kayaa nilapitan ko siya.
"Zoren bakit ayaw mo makijoin sa kanila?" tanong ko.
"Ahh ayoko lang hindi ako sanay sa gantong party" sambit niya kaya napakunot noo ko.
"Bakit di mo na lang maappreciate gawa nila palibhasa hata wala kang naitulong or ambag lamang. Ni regalo nga wala ka eh" inis na sambit ko.
"Xeaaa sorry I'm late" sigaw ni Brian pagdating. Medyo nawala na ang takot ko sa kanya. Feeling ko malapit na ako makarecover at malapit na din ako makaalala.
![](https://img.wattpad.com/cover/247112319-288-k922861.jpg)
YOU ARE READING
Waking up in Misery
RandomThere's a girl living in a small village, she's so beautiful and kind but her life seems so opposite in her appearance. She was abandoned by her family and now she's living all alone. She learned to live all by herself, explore about life and faced...