Chapter 31: The Truth

7 1 12
                                    

Pagkarating namin sa hospital ay tinignan agad ng mga doctor si Xea. Tinawagan ko ang mga kaibigan namin. Maya maya lang ay dumating na sila.

"Kamusta si Xea?" sabay sabay nilang tanong.

"Kalma guys di ko pa nakakausap yung doctor na tumingin sa kanya kasi tinitignan pa siya antayin na lang natin" sambit ko.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Akia.

"Kasi pumunta kami sa bahay ng mama niya ng---" pinutol ni Andrea ang sasabihin ko.

"Ano sinaktan na naman niya lintik talaga yun kung saktan ang anak" inis na sambit nito.

"Kalma lang love" sambit ni Brian.

"Kadiri ka don't call me love hindi magiging tao gago" inis na sambit ni Andrea sa kanya.

"Andrea kalma di siya sinaktan kusang sumakit ang ulo niya di pa man nakakapasok sa loob" paliwanag ko kaya huminahon na siya.

Maya maya lang ay lumabas na yung tumingin kay Xea. "Who's the family of patient?" tanong ng doctor paglabas.

"I'm her cousin doc, how is she?" tanong ko din pabalik sa kanya.

"Okay usap tayo sa office ko tara po Mr." sambit ng doctor tsaka umalis.

"Guys kausapin ko muna yung doctor ah kapag dumating si Kuya Joaquin sabihin niyo kausap ko na ang doctor ni Xea" sambit ko bago umalis.

Nandito na ako sa office ni doc. "Doc kamusta po kalagayan ng pinsan ko?" tanong ko.

"Base sa mga check up ko okay na siya at nakausap ko siya kanina and okay na ang memories niya bumalik na din ang kailangan lang gawin ay uminom siya ng gamot upang bumilis ang paggaling niya" paliwanag ng doctor kaya natuwa ako.

"Thank you Lord bumalik na ang alaala ni Xea pwede ko ng bugbugin yung kupal na Zoren na yun" sambit ko sa sarili ko. " Thank you doc" sambit ko bago lumabas ngunit nagsalita muli ang doctor.

"Ngunit bakit ganon umiiyak siya? Kapag tinatanong ko naman ayaw magsalita baka ikaw ang makausap sa kanya. Kapag nakausap mo sabihin mo sakin upang malaman ko ang ibang masakit sa kanya" sambit ng doctor kaya tumango ako tsaka umalis.

Pumunta na ako sa mga kaibigan ko at ibinalita at masaya sila. Napagpasyahan din na huwag sabihin kay Zoren dahil baka tumakas siya. Wala pa din si Kuya Joaquin.

*****


Xeanne's POV

Nagising ako sa puro puting higaan. Hindi ko alam ang lugar na ito ng may biglang lumapit sakin. "Kamusta ka Xea?" sambit ni Akia. Doon na ako napahagulgol.

Naalala ko na naman ang narinig kong sinabi ni mama. 'May tanong ka pa ba kasi kung wala makakaalis ka na dahil alam mo ng di ko tunay na anak si Xea. Baka gusto mong magalit dahil binenta ko siya sa anak ng kumare ko na si Zoren'

'May tanong ka pa ba kasi kung wala makakaalis ka na dahil alam mo ng di ko tunay na anak si Xea. Baka gusto mong magalit dahil binenta ko siya sa anak ng kumare ko na si Zoren'

Hindi pala nila ako tunay na anak kaya nagawa nila akong ipagbili. Sino yung kausap niya sa loob. Kaya sumakit ang ulo ko dahil naalala ko na ang lahat na ang lalaking gusto kong kasama ay ang lalaking nagtangkang manrape sakin.

"Uyy Xea why are you crying?" sambit ni Trice.

"Ayus ka lang ba wag ka na umiyak" sambit naman ni Andrea.

Waking up in MiseryWhere stories live. Discover now